^

PSN Showbiz

Abby, sinagot ang akusasyon ni Anjo?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Abby, sinagot ang akusasyon ni Anjo?!
Abby at Anjo
STAR/ File

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang magkasintahang Jomari Yllana at Abby Viduya kaugnay sa akusasyong ibinabato ni Anjo Yllana laban sa kanila.

Hindi pa rin sumasagot si Jomari sa text namin, at kahit si Abby ay hindi niya binubuksan ang mensaheng ipinadala ko sa messenger niya.

Pero kamakailan lang ay may FB post si Abby ng tula na ginawa niya na tila isang statement para kay Anjo. Aniya; “Look inside yourself.

“Words you use that stab like a knife pierces more at your soul with each single strike.

“You plan and calculate your next vile attack, and when you do, I won’t strike back.

“My life is a book, I have no­thing to hide.

“You boast of your endeavors and gloat with pride.

“How strange someone like you can’t see the damage you do to yourself and not me.

“When you look at a mirror, you look at hate. Do you not see what will be your fate.

“For I live for truth and truth alone.

“Lies from you, I will not condone.

“I will not judge you, that is not my role.

“I intend to keep my good heart and soul. So for you, I will say one last time.

“Go get a life and stop meddling with mine.”

Sa Facebook account naman ni Anjo ay in-announce niyang nag-positive sa COVID-19 ang anak niyang si Andee. Pero may isa rin siyang post para pa rin sa hamon niyang magpa-lie detector test sila ni Jomari at ni Abby.

Sabi niya; “Sa akin mga kaibigan huwag kayo mag-alala ayaw nga mag-lie detector test kaya move on na tayo dun pa lang lam na (laugh emoji). Pero salamat sa concern. Move on na putting badila na winagayway. Sa Erpat (RIP) ko sila mag-sorry.”

May iba pa kaming naririnig na kuwento kaugnay sa isyung ito na nasagap namin sa CamSur pero pawang mga sitsit lang na walang basehan.

Joyce, hindi nahirapan sa lock-in kahit bagong kasal!

Ninong pala sa kasal ni Joyce Ching si Dingdong Dantes na bida sa AlterNate na magsisimula na sa GMA Telebabad sa Jan. 10.

Magkasama sila ngayon sa bagong mini-series na ito ng I Can See You at maganda ang role ni Joyce dito.

Nasa Instagram post nga ni Dingdong na sabi niya kay Joyce; “Mula sa pagiging inaanak sa kasal sa totoong buhay, hanggang sa naging maingay at makulit na kapatid sa TV-you’re always fun to be with @chingjoyce!”

Ang laking pasasalamat ni Joyce na kasama siya sa AlterNate, pero medyo nanibago nga raw siya sa bagong setup na isang buwang naka-lock in. Nakapag-adjust naman daw sila nang mabuti ng asawa niya pagkatapos nilang pakasal. “Masaya ang buhay may asawa na I think dahil sa pandemic na na-force to stay at home. Para makapag-adjust naman kami na sobra-sobra na nga ang pag-adjust sa loob ng bahay,” pakli ng Kapuso actress.

Nanibago raw siya sa lock-in taping, pero mabuti at nandiyan naman daw ang suporta ng asawa niya. “My husband naman was very suppor­tive. Hinahayaan naman niya ako kung ano ang gusto kong gawin, and with regards sa lock in, parang I think, kinakailangan namin ng mental preparation sa mga sarili namin.

“Actually, hindi lang siya kundi pati ang sarili ko. Kasi nga, 30 days is parang no joke. Very blessed lang po talaga ako na ang mga kasama ko rito sa show, mga staff, producers namin, mga artista, lahat mababait, lahat ang gaan katrabaho, lahat ang masaya katrabaho.

“So, ‘yung feeling na naiwan ang husband ko, naiwan ang pamilya ko at home, parang nagkaroon naman ng bagong pamilya sa set. So ang pakiramdam mo, parang hindi ka naman nahiwalay sa family mo.

“’Yung husband ko naman very supportive even nung nasa lock in ako, kahit mahirap ‘yung signal namin dun sa location, he makes it a point na tatawag siya, o magti-text siya, magmi-message siya just to encourage me. Kasi may mga times dun sa lock in na parang nababaliw na ako, na parang ang lungkot lungkot na, gusto mo na umuwi ganyan.

“So, siya talaga ‘yung number one na nag encourage sa akin na okay lang ‘yan na malapit nang matapos, kaya mo ‘yan,” dagdag na pahayag ni Joyce na excited na rin sa pagsisimula ng AlterNate bukas sa GMA Telebabad.

vuukle comment

JOMARI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with