^

PSN Showbiz

1 billion cyber libel ni Enchong sumampa na sa korte, blogger sasampulan din ng aktor

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
1 billion cyber libel ni Enchong sumampa na sa korte, blogger sasampulan din ng aktor
Enchong Dee
STAR/ File

Pinag-usapan na naman ang kasong isinampa ng DUMPER Partylist Representative Claudine Bautista-Lim laban kay Enchong Dee.

Ang latest na nasagap namin, umakyat daw sa korte ang kasong Cyber Libel na isinampa laban sa kanya.

Meron pa palang dalawang nakasuhan, pero na-dismiss daw ito. Ang kay Enchong lang daw ang umusad, kaya pinapatahimik daw muna ngayon ang aktor.

Pero kukumpirmahin pa muna namin ‘yan dahil wala pa naman kaming nakakausap mula sa kampo ni Cong. Bautista-Lim, at wala namang may nagsasalita para sa panig ng Kapamilya actor.

Mukhang seryoso ang naturang kongresista sa isinampang kaso na kung hindi kami nagkamali ay naka-file pa ito sa lugar niya sa Davao Occidental.

Ang nakapaloob sa Cyber Libel na isinampa laban kay Enchong ay P500M moral damages at P500M sa exemplary damages.

Kaya bukod sa malaking abala, napakalaki pa ng halaga ng kasong ito, dahil lamang sa isang komento sa Twitter.

Ito lang talaga ang isa sa dapat na pag-inga­tan kapag nagpu-post o may inilalabas kang pahayag sa social media.

Kagaya nitong blogger na si Xian Gaza, mukhang kakasuhan siya ng isa sa mga taong ibinalita niya sa kanyang Facebook account.

Madalas magpasabog ng kuwento itong si Gaza na kaagad napi-pick up. Pero hindi naman napapanindigan kung totoo ba talaga itong mga payanig niyang balita.

Kapag merong mainit na isyung pinag-uusapan, meron din siyang pasabog na kuwento sa ilang artistang involved. Ginawa niya ‘yan kina Paolo Contis, Diego Loyzaga, Gerald Anderson, Barbie Imperial, AJ Raval at marami pa.

Hindi naman siya pinapatulan ng ilang artista, dahil hindi naman daw totoo. Kaya deadma na lang sila.

Pero ang latest na nabalitaan ko, isang male celebrity ang pinag-iisipan nang kasuhan din ng Cyber Libel itong si Gaza dahil daw sa mga maling balitang ikinakalat laban sa kanya.

Tatapusin lang daw ni male celeb itong holiday season at makikipag-usap na raw siya sa kanyang abogado para makahingi ng payo kung ang dapat niyang gawin.

Naiinis na raw kasi itong si male celebrity kapag natatanong siya tungkol dito sa ginawa rin ni Gaza na pasabog laban sa kanya. Pawang kasinungali­ngan naman daw ang ibinalita sa kanya, kaya dapat na sampulan daw niya itong blogger na ito.

Beauty, hindi makabalik ng Maynila

Bale second time na pala ito ni Beauty Gonzalez na makasali sa Metro Manila Film Festival. Pero hindi na niya sinabi sa amin kung ano ‘yung unang pelikula dahil napakabilis lang daw ng partisipasyon niya sa pelikulang iyon.

Kaya excited siya rito sa MMFF entry niyang Huwag Kang Lalabas dahil bida naman siya siyempre sa unang episode nitong Kumbento. Pero nanghinayang ang bagong Kapuso actress dahil hindi siya nakasali sa nakaraang parada. “Siyempre, dream ng lahat ng artista makakasakay at kumakaway-kaway sa float ng MMFF parade. But typhoon Odette had different plans for me while nasa Negros ako,”  text ni Beauty nang tinanong namin tungkol sa ‘di pagsipot sa nakaraang parada.

Gustung-gusto man niyang makabalik ng Maynila para maka-join sa fluvial parade, pero hindi na siya nakapagbiyahe, dahil sa pahirapan na pabalik ng Maynila.

Pero willing naman si Beauty na mag-promote kahit online at sisikapin niyang makasama na sa awards night ng MMFF sa Dec. 27.

Feel na feel pa naman daw niya ang role niya bilang madre sa episode niya sa naturang pelikula. Napaka-eerie pa raw ng lugar na pinagsyutingan nila sa Baguio, na talagang kinikilabutan daw siya ‘pag nagsu-shoot sila roon.

“We really shot in a very old convent in Baguio, and during the pandemic it was almost empty. As you can imagine, once it gets dark every corner, every hallway– lumalabas ang mga madre na wala naman pala,” kuwento ni Beauty.

Ang laki ng pasasalamat niya kay direk Adolf Alix, Jr. dahil talagang inalagaan daw siya nito, lalo na sa scary scenes na kinunan

vuukle comment

JESUS CHRIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with