^

PSN Showbiz

Ate Vi, walang kaisyu-isyu sa kasal nina Edu at Cherry Pie!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, walang kaisyu-isyu sa kasal nina Edu at Cherry Pie!
Ate Vi
STAR/ File

Ano pa nga ba ang dapat na sabihin ni Congresswoman Vilma Santos tungkol sa sinasabing relasyon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache? Sina Edu at Ate Vi naman ay napakatagal nang panahong hiwalay at may kanya-kanyang buhay noon pa man. Ano pa nga ba ang masasabi ni Ate Vi except na happy siya kung happy na sila, after all iyon lang naman siguro ang maiwi-wish niya sa dating asawa at kaibigan. They deserve to be happy.

Sa parte naman ni Ate Vi, 29 years na silang kasal ni Senator Ralph Recto. At ikinasal sila nang maayos sa San Sebastian Cathedral sa Lipa noon pang 1992. Bago naman ginawa iyon ni Ate Vi, pitong taon na ang relasyon nila ni Senator Ralph at wala namang masasabing impediment o hadlang sa kanilang relasyon.

Sa parte naman ni Edu Manzano, ano pa ba ang bago? Mas nauna sa pagpapakasal ni Ate Vi, pinakasalan na ni Edu si Maricel Soriano noong 1989, pero nag-divorce Rin sila makalipas ang isang taon lamang. Nagkaroon din siya ng relasyon pagkatapos noon sa dati ring model na si Rina Samson, kung kanino siya nagkaroon ng dalawang anak, sina Addie at Enzo. Ngayon kung syota man niya si Cherry Pie at magpapakasal sila, ano pa nga ba ang bago?

Kaya kung tutuusin nga wala nang issue iyan.

Pero siyempre, iinit ang usapan kung magco-comment pa nga si Ate Vi. Alam naman natin, si Ate Vi ay nananatiling hot copy hanggang ngayon at ano man ang sabihin niya eh pinag-uusapan.

Sina Edu at Cherie Pie ay aminado na naman sa kanilang relasyon. Nag-meet na rin naman pati ang kani-kanilang anak. Tapos ang usapan diyan.

Bakit hindi nila tanungin si Maricel o si Rina Samson?

Ang isa pang tinatanong nila ay kasal ba si Cherie Pie kay Enrique Tria? Pero matagal na rin iyon at siguro hindi na nga masasabing issue.

Mga network naghahanap din ng bagong mukha

Nabuksan na naman ang issue ni Kris Bernal at iyong sinasabing memo kung saan inabiso sa kanya na hindi na ire-renew ang kontrata niya sa GMA7 matapos ang 13 taong pananatili niya sa network.

Pero iyon ang isang reality. Kagaya rin naman noong may mga artistang umaalis sa kanilang network kung may mas magandang offer, at ang network din naman ay nagbabawas ng kanilang obligasyon sa talents para makakuha ng mga bagong artista na sa tingin nila ay mas bagay sa kanilang mga plano.

Hindi lang kay Kris Bernal nangyari iyan. Hindi ba ganyan din si Bea Binene? Sigurado, marami silang nakatanggap ng ganoong memo, pero hindi iyon termination, dahil natapos na naman ang kanilang kontrata. Basta natapos ang kontrata, wala nang obligasyong legal o moral ang magkabilang panig sa isa’t isa.

Aktor pinipilit magbigay ng regalo

Nagtatago ang isang male star, kasi hindi raw siya maintindihan ng iba na wala siyang ipinamimigay na Christmas gifts.

Hindi naman daw kasi malaki ang kanyang kinikita sa mga indie at BL na nagawa niya. Halos barya lang ang bayad sa mga iyon. Ginagawa lang niya para maipantustos sa kanyang pamilya.

Iyon naman daw sinasabing hit ang mga iyon, publicity lang sa social media. Hit dahil pinag-usapan pero hindi naman kumita talaga. Fake news din pala iyon.

Pero bakit kailangang magtago? Hindi obligasyon ng kahit na sino na magbigay ng regalo kung ayaw niya o wala siyang kakayahan.

Mali iyong pinipilit ang mga tao na magbigay ng regalo.

vuukle comment

VILMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with