^

PSN Showbiz

Marian, masuwerte sa negosyo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, masuwerte sa negosyo
Ma­rian Rivera.

Meron din bagong business si Ma­rian Rivera na apparel o RTW na sold out lagi sa market. Kasi nga ay talaga namang very classy at comfy kaya gustung-gusto ng buyers. ‘Yung mga lounging dress niya na kahit pambahay lang puwede mong ilakad sa labas dahil very classy na tingnan. ‘Yung kanyang apron na hanggang USA hinahangaan, grabe ha.

Talagang may luck sa business si Marian na talaga naman kahit ano yata ang gawin, nagi­ging successful.

Bongga nga, kahit hindi lumalabas sa TV at abala sa pag-aalaga ng mga anak, hayan kumikita pa rin. Paano nga ba hindi mamahalin ng doble ng kanyang papa Dingdong Dantes, mahusay na mother, mabait na asawa, bonggang business minded lady.

Billy at Jeff, minasama ang biruan

Alam mo ba, Salve, na dapat talaga ‘pag outsider ka dapat alam mo na iba ang humor ng magkakasama sa set ng isang taping o shooting. Nabigyan ng masamang kulay ang biruan nina Billy Crawford at Jeff Tam sa Lunch Out Loud dahil nga sa aksidenteng nasaktan si Jeff sa ginawang biro ni Billy. Gusto kong mag-sorry dahil nasabi ko pa na sana iwanan na ni Papa Albee Benitez ang pag-produce ng show dahil nga I find that incident na very improper.

Ngayon ko naisip na kawawa naman ang production staff na mawawalan ng trabaho kung sakali, at hindi naman siguro magbibiruan ng ganun ang mga tao kung ‘di sila close sa isa’t isa. Siguro naman kahit si Papa Albee napamahal na sa lahat ng kasali sa show, at sa mga tao sa production kaya tiyak na protektado niya ang mga ito.

Sana nga ay magtagumpay na at patuloy na umangat ang rating ng LOL para makipaglaban pa nang sabayan sa ibang lunchtime show sa TV.

Hayan ha, huwag nang magbiruan ng nakakasakit para hindi mabigyan ng masamang kulay, ‘pag may nasaktan, magiging issue pa.

Sige na, watch na ng LOL ng Brightlight Production ni Papa Albee Benitez, para mag-produce pa siya ng mas maraming shows after election. Bongga ‘di ba, Ms. Pat-P Daza!!

vuukle comment

MA­RIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with