^

PSN Showbiz

Kim at Xian, give and take ang setup!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Siyam na taon nang magkasintahan sina Kim Chiu at Xian Lim. Ayon sa aktres ay mayrooon silang sikreto ng binata kaya nagtagal ang kanilang relasyon. “Loyalty and trust lang talaga sa partner mo. Loyal ka, loyal ang partner mo at may tiwala ka sa partner mo na hindi siya gagawa ng kalokohan. Iwas sa mga duda, selos-selos sometimes pero okay lang naman ‘yon,” pagbabahagi ni Kim.

“Tama si Kim. I guess putting it into work. Hindi porke kayo na ay petiks na lang. I guess it’s your duty and obligation as a boyfriend and as a girlfriend. It’s a duty and an obligation to make each other happy every single day,” dagdag naman ni Xian.

Aminado rin si Kim na katulad ng ibang magkasintahan ay hindi perperkto ang kanilang relasyon ng aktor. “Yes, wala namang perfect relationship. Pero I love our imperfections,” pagtatapat ng aktres. “Give and take lang talaga sa relationship,” giit naman ni Xian.

Ilang netizens ang nakapansin na hindi raw madalas sabihan ni Kim si Xian ng ‘I love you.’ Agad namang nilinaw ni Xian ang tungkol dito. “Sagana ako sa I love you. Saan n’yo po nakuha ‘yung idea  na nahihiya si Kim na mag-I love you? Tiba-tiba pa nga ako sa I love you ni Kim. Pero I think hindi lang talaga kami ma-PDA (public display of affection) na tao. ‘Yung type ng relationship namin is hindi kami ma-PDA,” paglilinaw ng aktor.

Seth, may pangako kay Andrea

Ngayong Biyernes ay magtatapos na ang teleseryeng Huwag Kang Mangamba kung saan kabilang sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Tatlong taon na ang nakalilipas nang unang magtambal ang dalawa sa proyekto kaya talagang napalapit na sa isa’t isa. Mayroong pangako si Seth sa aktres na nagsisilbing inspirasyon sa kanya. “Maaasahan mo ako. Hindi kita pababayaan at hindi kita hahayaan na ma-down. Andrea, lagi kong sinasabi sa ‘yo na bumaliktad man ang mundo, lahat ng tao sa paligid mo bumaliktad sa ‘yo and then malungkot ka, nandito ako, Ali (tawag ni Seth sa aktres). Nandito ako pwede mo ilabas sa akin ang sama ng loob mo. Hangga’t maaari kung ano ‘yung kaya kong ibigay sa ‘yo, oras man, effort man, ibibigay ko para sa ‘yo. Kaya huwag ka matakot. Nandito ako, nandito si Seth, si Yansi, si Tisoy, si Kano, nandito ako,” makahulugang pahayag ni Seth.

Ayon sa aktor ay talagang ginagawa nila ni Andrea ang lahat ng makakaya para sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan. “Ang pinakamaipagmamalaki ko sa samahan namin, nagmi-meeting kami niyan sa mga gagawin namin, sa mga plano namin, sa mga anong ipapakita, anong hakbang namin, next hakbang namin. Minsan ‘pag nag-uusap kami dapat ganito, dapat ganyan. So teamwork kami, talagang kakampi ko siya, kakampi niya ako,” kwento ng binata.

(Reports from JCC)

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with