^

PSN Showbiz

Julia, nagpasalamat sa pagiging inspirasyon ni Coco

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia, nagpasalamat sa pagiging inspirasyon ni Coco
Julia at Coco.

Pagkatapos umamin nina McCoy de Leon at Elisse Joson na may baby na sila, naalala na naman ang kontrobersiya na diumano’y may anak na sina Coco Martin, na nag-celebrate ng 40th birthday kahapon, at Julia Montes.

Lalo pa nga at matamis ang birthday message ni Julia kay Coco kahapon sa video na inilabas ng Dreamscape.

“Hi, Co! Happy, happy birthday! It’s your 40th birthday. Sana ay ma-enjoy mo. Lagi mo ka­ming iniisip, mga kaibigan mo, mga katrabaho mo, pamilya mo, mga mahal mo sa buhay. Ngayon this time, it’s your special day, sana sarili mo naman ang isipin mo at ma-enjoy mo ang espesyal na kaarawan mo,”

“Thank you for being an inspiration to everybody, especially sa akin. Aaminin ko talagang inspirasyon ka sa lahat ng aspeto. Kung paano ka magmahal ng tao, ng katrabaho mo. Kung paano ka magmahal sa trabaho. Continue to be that good person. Huwag na huwag kang mapapagod na magbigay, magmahal at maging inspirasyon pa sa maraming-maraming tao. Maraming-maraming salamat sa iyo Co and happy birthday!,” ang buong pagbati ng actress sa actor.

Anyway, lahat ng co-stars ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano ay bumati sa kanyang birthday including Angel Aquino na iniintriga na may problema diumano kay Coco dahil may mga eksenang ipinagagawa sa mahusay na actress si Coco pero ayaw diumanong matanggap ni Angel.

Pero nagpasalamat ito sa aktor at nagsabing mahal niya ito.

Or baka naman nagkaayos na sila?

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with