^

PSN Showbiz

Lolit at Cristy walang pakialam sa bashers, nadine at ibang mga artista nakalimutan ang trabaho ng mga reporter / writer

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lolit at Cristy walang pakialam sa bashers, nadine at ibang mga artista nakalimutan ang trabaho ng mga reporter / writer
Cristy at Lolit

Isa pang nag-birthday kahapon, All Saints’ Day, si Nadine Lustre.

Naging kontrobersiyal ang tweet ni Nadine na “Marites talaga ihhh,” kasabay ng pagpo-promote nito ng kanyang new single na Wait For Me. Dagdag pa nito “2021 na toxic pa rin.”

Pinatutungkulan niya kasi ang opinion ni Nay Cristy Fermin tungkol sa body shaming sa kanya.

As in nagbigay lang si Nay Cristy ng opinion tungkol sa reaction ng iba na kaya nakakatanggap ng body shaming si Nadine dahil siya rin naman ang nagbibigay ng chance na makita siya na naka-two piece habang nasa Siargao.

“Si Nadine Lustre pumapa-show sa Siargao. Lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka-two piece. Laging ganun kahit bibili lang siya ng lechon sarsa, meron siyang pupuntahan. Ewan ko no kung bakit ayaw niya mag-damit, wala naman ng nagbabawal sa kanya.

“Tapos ngayon di ba nagiging sentro siya ng body shaming? Sabi lang naman ng isang netizen, ‘Nadine, napapansin na tumataba ka na naman, ingat-ingat.’

“Eh ikaw na hitad ka, ayaw mo mag-damit pa show ka nang pa-show kahit saan, bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo. Para hindi ka naba-bash, magtapi ka,” banggit ni Nay Cristy.

Opinion lang naman niya ‘yun na sinagot ni Nadine.

Kaya naman nag-trend ito last weekend.

Nauna nang nag-trend din ang mga beteranang kolumnista ng PSN at host ng digital talk show na Take it... Per Minute, Me Ganun!

Si Nay Lolit Solis kay Alex Gonzaga at kay Kylie Padilla si Nay Cristy.

Mga artista ngayon parang nakalimutan na ang trabaho ng showbiz press at meaning ng freedom of expression.

Ano ‘yun ‘di na puwedeng maka-scoop at magbigay ng opinion ang mga writer / columnist?

Unless gusto na rin nilang gawin ang trabaho ng mga reporter? Hahaha.

Naalala ko ang isang Kapamilya actress.

Ni-label niya ng fake news ang sinulat kong lilipat siya ng network dahil nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Pinost niya pa sa social media account niya na fake news ‘yun.

Hindi nagtagal, nasa GMA 7 na siya at sinabi niyang kailangan niyang magtrabaho.

Grabe sila. Parang hindi na alam ang scoop ng trabaho nilang artista at ang trabaho ng mga reporter/writer/columnist.

Anyway, watch kayo ng TIPMMG ngayong tanghali dahil maraming nag-aalab na chika, opinyon at blind items na pag-uusapan sina Manay Lolit, Manay Cristy and Mr. Fu.

Well, ang saya lang dahil hindi affected ng bashing sina Nay Lolit and Nay Cristy kaya belat nila.

vuukle comment

CRISTY FERMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with