^

PSN Showbiz

Bumiyahe pa hanggang Amerika Dennis at Jennylyn, plinano ang surrogacy bago nakabuo!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bumiyahe pa hanggang Amerika Dennis at Jennylyn, plinano ang surrogacy bago nakabuo!
Dennis at Jennylyn
STAR/ File

Xian, abala sa motor

Kinda nakakagulat ang inamin nina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado na tatlong buwang buntis ngayon na sinubukan nila ang surrogacy.

Sa kanilang interview na kasabay sa pagkumpirma nila ng pagbubuntis ng actress at kanilang engagement, sinabi nilang bumiyahe pa sila ng Amerika para mag-harvest ng egg – nagkaroon ng fertility treatments at nakipag-usap pa sa puwedeng magdala ng kanilang magiging anak. Na ayon kay Jennylyn ay masakit, mahirap gumalaw. “Naka-harvest kami ng five eggs. Pero isa lang ‘yung excellent egg so parang tapon din ‘yung apat – isa lang talaga. Isa lang ‘yung nabuo ko,” banggit ni Jennylyn sa interview ng GMA.

Paliwanag naman ni Dennis : “Pero embryo na ‘yun. Embryo na siya kasi nag-[fertilize],” na umamin din na nakipagkita sila sa dalawang tao bago sana mag-decide sa pipiliin nilang surrogate mother.

“Napili namin na perfect para doon sa embryo na ‘yun. Pagkatapos naman, okay na lahat, Okay na. May schedule na ng implant. Nakilala na namin ‘yung surrogate, mababait sila, tapos magpipirmahan na lang kami ng kontrata and ii-inject na lang ‘yung embryo sa kanya ngayong October dapat,” dagdag na kuwento ng actor sa nasabing interview.

Pero bigla ngang nabuntis si Jennylyn na nalaman niya habang nasa taping ng first project nila ni Xian Lim na Love.Die.Repeat. Nakaramdam si Jennylyn na medyo emosyonal siya at lagi siyang may acid reflux, sumasakit ang ulo at nasusuka. “Parang doon ako napaisip na hala. Saka delayed ako for a week, kasi usually, nade-delay ako three days lang, four days. Hindi ako lumalagpas ng one week. Sabi ko kay Dennis, bumili siya, padalhan ako ng test, ng pregnancy test. Doon namin nalaman,” pag-alala pa ng actress kung paano niya nakumpirma ang pagbubuntis sa interview naman ng digital magazine na Mega.

Kinda shocking dahil nasa prime age pa sina Jennylyn (34) and Dennis (40) para magkaanak pero naisip na pala nila ang surrogacy.  Unless may medical problems si Jennylyn sa uterus or heart issues pero wala siyang binanggit.

Kasama sa mga sumailalim sa surrogacy sina Dra. Vicki Belo, Korina Sanchez and Alice Dixson.

Anyway, pila ang kasalang magaganap sa showbiz : Derek Ramsay and Ellen Adarna; Kris Aquino and Mel Senen Sarmiento; Dominique Cojuangco and Michael Hearn.

Samantala, wala pang statement ang GMA 7 kung anong mangyayari kay Xian ngayong buntis si Jennylyn at naghahanda sa kasal nila ni Dennis.

Ang LDR ang first teleserye sana ni Xian sa GMA.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with