Carlo nagpakita na naka-Squid Game suit, ini-expect ng fans sa season 2
Sa next season kaya ng Squid Game, mamapapanood na si Carlo Aquino?
Nabuhay na naman kasi ang panghihinayang ng lahat nang mag-post siya na naka-Squid Game suit.
Bagay sana.
Caption niya : “Better late than never! Thanks @netflixph for the surprise,” aniya.
Si Carlo sana ang na Abdul Ali pero napunta ang nasabing role kay Anupam Tripathi.
Dahil nga sa travel restrictions dulot ng coronavirus pandemic, hindi siya nakabiyahe sa Korea para sa shooting nito.
Sa lumabas na interview ni Carlo, hinayang na hinayang ito. “Hinayang na hinayang talaga ako. Siyempre trending ‘yung Squid Game,” sabi niya.
Massive ang success ng Squid Game sa buong mundo.
Ayon sa reports, winasak nito ang records, at ngayon ay tinuturing itong biggest series ng Netflix at umabot na ito sa 111 million viewers.
- Latest