^

PSN Showbiz

Alfred, mas sumipag dahil kay PM!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, mas sumipag dahil kay PM!
Mayor Joy, PM at Alfred.

Nag-file na ng candidacy para sa Congress si PM Vargas, at siyempre sinamahan siya ng kuya niyang si Alfred. Kasabay niya ring nag-file si Mayor Joy Belmonte.

Ang sarap ng samahan ng magkakapatid na Vargas na dalawang babae at dalawang lalaki na iniwan nang namatay nilang tatay at nanay pero nanatiling very close sa isa’t isa.

At alam n’yo ba na mas pagod pa nga ngayon si Alfred sa pagtulong sa batang kapatid na si PM kesa doon sa sarili niyang kampanya nang tumakbo siya sa Congress. Mas sinuyod nila ngayon ang distrito, mas marami ang tinulungan, mas marami ang talagang ni-reach out dahil nga hindi tulad ni Alfred na kilala na dahil artista nga, si PM ay isang konsehal ng QC at kailangang ipakita na karapat-dapat siya sa partido ni QC Mayor Joy na talagang subsob sa trabaho para sa Quezon City.

Ang hirap pa nga ngayon dahil kakaiba ang kampanya, ang daming problema, nasa pandemic, at talagang ang grading system kumporme sa trabaho.

Gretchen, tuloy ang pagnininang sa TIPMMG!

Naku Happy Smiling Tuesday na naman, Salve. Huwag kalimutan na ang Take It… Per Minute Me Ganun ay may 50 sacks of rice at 10 wheelchairs na bigay ng ninang natin na si Gretchen Barretto sa tulong ng mga angel niya 24/7 na sina Bettina Aspillaga, Francis Simeon at Ms. Ana Abiera.

‘Yung mga magko-comment ng maganda, spreading good words and positivity, wagi ng one sack ng rice. Last time nakapili na tayo ng 16, Salve, na very happy sa natanggap nilang biyaya.

First request sa wheelchair si Gorgy Rula para gamitin ng mother niya sa province.

Sobrang biyaya ang ibinigay ni Gretchen sa viewers natin ng TIPMMG 12 to 1 ng hapon every Tuesday sa Facebook at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Unforgettable ang suporta niya kaya naman siya ang BFF ng programa.

Kaya talagang bow kami nina Cristy Fermin at Mr. Fu.

Jennylyn, laging nagpapakita ng tatag ng loob

Mabuti naman at maganda naman pala ang lagay ni Jennylyn Mercado. Sana nga maayos at kung totoo ‘yung sinasabi na baka nasa interesting stage siya, sana naman matuloy na rin ang pagi­ging legal ng pagsasama nila ni Dennis Trillo.

Mas magandang mauna ang balita ng pagpapakasal nilang dalawa bago ang announcement kung anuman ang tunay na physical condition ni Jennylyn.

Hanga ako sa strong conviction ni Jennylyn na kahit pa nga hindi sila nagkatuluyan ni Patrick Garcia at mag-isang inalagaan ang anak na si Jazz buong tapang pa rin na hinarap ang buhay. At ngayon ay nagpakita na naman ng tatag ng loob sa bagong hinaharap sa buhay.

Parang kayang-kaya ni Jennylyn na harapin ang anumang dumating sa buhay niya, pero mas maganda pa rin na meron siyang katuwang kung sakali.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with