^

PSN Showbiz

Aktres, hindi na kinaya ng mga magulang ang trip nang magkapera at dyowa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May sariling mundo ang isang kilalang female personality. Walang kahit sinong puwedeng kumontra sa kanyang trip. Kung ano ang gusto niya ay kailangang masunod.

Sumuko na pala ang mga magulang ng female persona­lity sa paggabay at pagpapayo sa kanya. Napagod na ang pamilya niya. Wala naman kasi siyang pinakikinggan lalo na nang magkaroon na siya ng sariling pera.

Kuwento ng aming source, “’Yun ang mahirap kapag mapera na ang artista. Feeling entitled na sila. Parang wala nang katapusan ang popularity nila at ang pagdating ng mga biyaya nila.

“Tulad ng kilalang female personality na ito na dati naman, e, nahahawakan pa ng parents niya ang mga decision. Nakikinig naman siya nu’ng umpisa, pero nu’ng kumikita na siya, bigla na siyang naging bingi sa payo ng mga magulang niya,” unang kuwento ng aming impormante.

May duda ang malalapit sa female personality na hindi naging magandang impluwensiya sa kanya ang nakarelasyon niyang male personality. Ito ang itinuturong dahilan ng mga kaibigan niya sa biglang pagbabago ng ugali ng babaeng personalidad.

Patuloy ng aming source, “Puwede! Magkaibang-magkaiba kasi ang mga paniniwala nila. Hindi na ipagtatanong kung bakit, magkaiba kasi ang culture nila!

“Puwedeng dahil sa pagmamahal niya sa guy, e, nagpadikta nga siya, pero matalino naman ang girl! Bakit siya pumayag na baguhin ng boyfriend niya ang buong paniniwala niya?” tanong-opinyon ng aming source.

Nu’ng minsang dalawin ang female personality ng kanyang pamilya sa tinitirhan niyang condo unit ay nawindang ang mga ito. Parang ibang tao na siya.

“Paano ba naman hindi magugulat ang pamilya niya, e, naka-lipstick siyang itim, ang mga kuko niya sa kamay at paa, black din ang kulay. Pinansin ng mommy niya kung bakit kulay itim ang buong katawan niya.

“Simple lang ang sagot niya na tumatawa-tawa pa, ‘This is the in thing right now. Black is the color of the world!’” Hindi na lang kumibo ang pamilya niya.

“Kung gusto niyang rumampa nang naka-underwear lang siya, e, walang makakokontra sa kanya. Kung gusto niyang magsuot ng wig na violet ang kulay habang lakad siya nang lakad sa dalampasigan, e, ano ba ang keber niya?

“’Yun ang trip niya, walang puwedeng makialam, hawak niya ang mundo niya! Ibang klase siya!” super-iling na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sharon, iniintriga ng favoritism!

Kinambalan ng intriga ang pag-alis ni Sharon Cuneta papuntang Amerika kasama ang kanyang mga pribadong kaibigan. Private jet plane ng isang bil­yonaryo nilang kaibigan ang sinakyan ng grupo.

Sa New Jersey lumapag ang eroplano at inilipad naman sila ng chopper papuntang Manhattan, New York. Sosorpresahin ng Megastar ang kanyang anak na si Kakie na sa isang eksklusibong kolehiyo sa New York nag-aaral kasama ang mga anak ng iba-ibang tagapamuno ng mga bansa.

Dahil sa kanyang post ay umariba na agad ang kanyang mga bashers, bakit daw puro si Kakie ang pinupuri at ikinukuwento niya, samantalang nasa Amerika rin naman ang kanyang panganay na si KC?

Laging malaking isyu kapag nagkukuwento si Sharon tungkol kay Kakie lalo na kapag sinasabi niya na napakasuwerte niyang ina sa pagkakaroon ng anak na mabait, responsable at matalino na tulad ni Kakie.

May favouritism daw si Sharon bilang ina, pala­ging nakapokus lang ang atensiyon niya sa mga anak nila ni Senador Kiko Pangilinan, wala raw siyang panahon kay KC.

Naalala namin ang sinabi ng isang kaibigan, “Anak ang naglalapit ng loob niya sa kanyang mga magulang. Pantay-pantay lang ang pagmamahal ng parents sa kanilang mga anak, pero ‘yung anak na nakikita nilang masunurin, ‘yung nagbibigay sa kanila ng pride and honor, mas nakikita nila ‘yun.”

Maaga kasing nahiwalay si KC kay Sharon dahil sa pag-aaral nito sa ibang bansa, samantalang sina Kakie, Miel at Miguel ay lumaki sa pagkalinga ni Sharon, kaya palaging kasali sa mga kuwento niya ang mga anak nila ng senador.

Saka nasa wastong edad na si KC para pangalagaan ang kanyang sarili, si Kakie ay bago pa lang na nahihiwalay sa kanyang pamilya, para harapin ang edukasyon nito sa ibang bansa.

Nu’ng mga nakaraang buwan na nasa Amerika si Sharon ay may nagtanong sa kanya kung nagkita ba sila ni KC? Dinalaw man lang ba siya ng kanyang anak?

Ipinagtanggol ni Sharon si KC, “Hindi nagtatagpo ang oras namin. Busy siya sa paglilipat ng bahay, ako naman, panay-panay ang meeting ko with the production people para sa hopefully, e, makuha kong trabaho sa Hollywood.”

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with