^

PSN Showbiz

Jane, emosyonal nang isukat ang Darna costume Now Na

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jane, emosyonal nang isukat ang Darna costume   Now Na
Jane
STAR/ File

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ni Jane de Leon para sa teleseryeng Darna. Pagkalipas ng dalawang taon ay masisimulan na ang taping nito sa susunod na buwan. “Diet talaga ako, nagbawas ako ng carbs. Imagine nag-wa-once a day rice lang ako. More on compound workouts ang ginagawa namin ni coach,” bungad ni Jane.

Masayang-masaya ang aktres dahil matutuloy na ang pinakamalaking proyektong pagbibidahan.

Matatandaang si Angel Locsin dapat ang mu­ling gaganap para sa nasabing iconic role sa isang pelikula noong 2015. Kinailangang magbitiw ni Angel noon sa proyekto dahil inoperahan ang likod ng aktres.

Si Liza Soberano naman ang papalit dapat kay Angel pero nagtamo ng aksidente ang dalaga sa daliri sa kamay habang ginagawa ang teleseryeng Bagani kaya hindi rin ito natuloy noong 2019.

Hanggang si Jane na ang mapalad na nahirang ng pamunuan ng ABS-CBN upang gumanap bilang pinakabagong Darna. “Kinikilig ako na excited na kinakabahan, sa totoo lang. Iba ‘yung pakiramdam ‘pag malapit na. Kasi malapit na talaga kami magsimula. Mga Kapamilya, eto na po, magsisimula na po ang Darna. Hindi na ito prank, totoo na po ito. Kaya abangan po natin,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Kamakailan ay naging emosyonal si Jane nang isukat na ang Darna costume na gagamitin para sa bagong serye. “Grabe, goosebumps! Naiyak ako, ‘yung feeling na nilalagay na sa akin ‘yung head dress, grabe! Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na. Gusto kong magpasalamat kay Mars Ravelo at sa Ravelo family sa ‘di matatawarang legacy at paglikha ng Pinoy superheroes katulad ni Darna. At lubos ang pasasalamat ko sa pagtitiwala ng buong pamilya ng Ravelo sa pagbigay sa akin ng bato,” pagtatapos ng aktres.

Andrew E., ‘di nagpaalam sa halikan nila ng anak ni Jeric

Hindi na raw nakapagpaalam si Andrew E. kay Jeric Raval nang gawin ng actor-rapper ang kissing scenes para sa pelikulang Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan. Katambal ni Andrew sa naturang proyekto ang anak ng action star na si AJ Raval. Mapapanood ito sa Vivamax simula ngayong Oct. 8. “Kung pasintabi, hindi ako nagkaroon ng chance. And the next thing I knew was meron na akong movie with AJ. Everything happened naturally and never thought of that and kasi hindi ko naman alam na anak niya si AJ,” pagtatapat ni Andrew.

Nakilalang lapitin ng mga babae ang rapper dahil sa mga kanta at pelikulang pinasikat nito mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas. “Noong binata ako nate-testing ko. But now hindi ko na nate-testing. Maybe the way na nagiging malapit ako sa girls o mga babae would be my way of being as a rapper. Kasi kung sa itsura lang eh mas habulin ako ng aso kaysa sa babae,” natatawang paliwanag ni Andrew.

(Reports from JCC)

vuukle comment

DARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with