^

PSN Showbiz

Maricel, may mga ginawa noon na pinagsisisihan ngayon!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maricel, may mga ginawa noon na pinagsisisihan ngayon!
Maricel.

Sumabak na rin sa paggawa ng video blogs si Maricel Soriano. Ngayon ay mahigit tatlong libo na ang subscribers ng sariling YouTube channel ng Diamond Star na Marya: The Maricel Soriano.

Nakaramdam daw ng kaba ang aktres sa bagong mundo na kanyang ginagalawan ngayon. “Ninenerbiyos ako rito sa first telescast natin. Alam ko ang fans nandiyan, mahal nila ako, papanoorin nila ito. Pero sabi ko, paano natin imi-maintain ito? Hindi biro, siyempre maraming mamba-bash, di naman lahat ng tao gusto ako. Paano kung di nila ako type? Paano na ‘to? First time nga akong ninerbiyos,” pagtatapat ni Maricel.

Nagsimula bilang isang child star noong 1971 ang aktres. Ngayon ay 56 na taong gulang na si Maricel. Sa loob ng 5 dekada ay marami nang pagsubok ang napagdaanan ng Diamond Star. “Nalungkot ako para sa sarili ko, pinagsisisihan ko ba? Oo, may part din na okay kasi nadaanan, at least nasabi kong dinaanan ko. Pero hindi ako magiging ganito ngayon kung hindi ko dinaanan ‘yon. Naiiyak ako dahil hindi talaga maganda ‘yung pinuntahan ko,” emosyonal na pagbabahagi ng Diamond Star.

Aminado si Maricel na mayroon siyang mga pagkakamaling nagawa noong mga panahon hindi naging aktibo sa show business. “Nagsabi ako ng totoo, hindi ako nagtago, wala akong itinago. Mali ako, kasalanan ko ito, aakuin ko ito. Kasi ako ang may gawa nito. I let it happen. It’s really up to you, if you really want to change you can if you want. If you don’t like, then that’s really up to you. If you want to prolong it, then it’s really up to you. The second is ask for help, kasi ‘yun na ‘yon. The key is you want to change, go for it,” paliwanag ng beteranang aktres.

EJay, may pahaging na sasabak sa pulitika

May bulung-bulungan na posibleng pasukin na ni Ejay Falcon ang mundo ng pulitika sa susunod na taon. Madalas daw kasi na umuuwi ngayon ang aktor sa kanilang bahay sa Oriental Mindoro. Nakakasama na rin si Ejay ang kasalukuyang Gobernador ng probinsya na si Humerlito Dolor sa ilang mga pagtitipon sa Mindoro. “’Yung sigaw at excitement ninyo, sana po madala natin ‘yan pagdating ng tamang panahon, ang suporta ninyo. Kayo pong lahat dito, sana po suportahan n’yo kami. Kaya po kami nandito ngayon, nagkakaisa at nagpapakilala po sa inyo,” sambit ni Ejay sa isang video na nasa Facebook page ng gobernador.

Ramdam na sa mga pananalita ng aktor na humihingi ng suporta mula sa mga kababayan. Nais umanong maglingkod ni Ejay sa kanilang lugar na nasasakupan. “Ako po si Ejay Falcon. Kahit po hindi n’yo ako tingnan bilang artista, tingnan n’yo ho ako bilang kababayan n’yong Mindoreño na gustong maglingkod sa inyo,” pahayag ng aktor sa mga kababayan. Reports from JCC

 

 

 

 

 

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with