^

PSN Showbiz

Signature items, ordinary thing na lang kay Jinkee!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Signature items, ordinary thing na lang kay Jinkee!
Jinkee.

Nabasa ko, Salve, ‘yung comment ni Sharon Cuneta, at ‘yung sinulat ni Cristy Fermin na comment ni Atty. Bruce.

Sa akin tama naman pareho ang sinabi nila tungkol kay Jinkee Pacquiao.

Dapat lang naman kasi constructive ang sasabihin mo, huwag ‘yung tipo na para bang sobra nang bastos ang pagpuna. Sabi nga ni Sharon, wala dapat i-explain si Jinkee sa buhay niya ngayon, dahil sa malinis na paraan naman nila nakuha ang anuman ang ginagamit niya.

Ang hindi nga lang nagandahan si Atty. Bruce dahil senador si Manny Pacquiao.

Kung minsan naman, tao lang ang nagbibigay ng malisya, hindi naman sinabi ni Mama Jinkee na ganito kamahal ang suot ko, ganito ang presyo nito.

Honestly, ako nga hindi ko alam na mga signature na suot ni Jinkee kung ‘di lang nababasa ko na ina-assess at nilalagyan ng presyo ng mga basher.

Sa totoo lang, ano ba ang problema dun, eh sa panahong ito, ordinaryo na para sa isang Jinkee Pacquiao ang mga tatak na Hermes, LV, Dior o Prada.

Baka pagpili niya ng susuotin, kinuha lang sa closet at iyon ang nakuha?

Saka aminin natin, sa status ni Jinkee tiyak na marami sa gamit niya regalo ng fans nilang mag-asawa, o friends. Like si Dra. Vicki Belo sure ako na madalas magbigay ng bag kay Jinkee, or si Manny mismo ang madalas bumili ng mamahaling gamit ng asawa.

Tama si Sharon, wala dapat ipaliwanag o hindi dapat magkaroon ng feeling of guilt si Jinkee sa buhay niya ngayon. Tama rin sina Cristy at Atty. Bruce, medyo hinay-hinay muna ang paggamit ng mamahalin dahil nga pandemic, pero hindi mo naman dapat husgahan kung marami siyang gamit. Buhay mo, buhay ko na lang ang gawing motto.

Kung ano ang gusto niya, o sinuman, hayaan natin. Kanya-kanyang trip lang iyan.

Sure akong gusto nina Salve at Gorgy na sila magsuot ng OOTD ni Mama Jinkeeb dahil ang gaganda ng mga t-shirt nito. Eh kasalanan ba na siya ang misis ni Champ Manny, kung nakita lang niya agad si Salve baka ito ngayon ang may suot ng mga mamahalin gamit, at ako naman ang Bernard Cloma niya, hah hah hah. Joke joke joke. Basta lahat dapat happy.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with