^

PSN Showbiz

Xian Lim, opisyal na sa kapuso!

Pilipino Star Ngayon

Kapuso na si Xian Lim. Iyan ang magkasabay na ini-announce ng GMA 7 at ng kanyang mga manager. Hindi kami talaga naniniwala na si Xian ay gagawa ng isang serye kasama si Jennelyn Mercado sa GMA na wala siyang kontrata.

Kung baga ibabangon nila ang career si Xian dahil simula nang umalis siya sa ABS-CBN wala na siyang nagawang serye at kung may mga pelikula mang indie na nagawa niya, hindi naman iyon naging malalaking hits.

Sa aminin man nila o sa hindi, medyo mababa ang popularidad niya sa ngayon.

May isa pang factor, malakas siya kung ang partner niya ay ang syota niyang si Kim Chiu, na hindi naman mangyayari dahil si Kim Chiu ay nananatili pa sa ABS-CBN.

Susugal ang GMA, papaano kung mag-click iyan at bigla siyang lumipat sa ibang network? Talagang hindi papayag iyan kung hindi siya pumirma ng kontrata.

Bea, ayaw tantanan ng intriga

Nananahimik na nga si Bea Alonzo at sinasabi niyang masaya na siya sa kanyang new found love na si Dominic Roque. Mukha ring nagsawa na rin siya sa issue ng “ghosting” at saka pa may lumabas na panibagong controversial issue.

Iyan nga ay matapos pasabugin ng kanyang kaibigang si Janus del Prado na hindi lang pala ang kaso ni Julia Barretto ang problema, may nauna na raw kaso ng ghosting na ang involved naman ay si “P”. inilabas niya iyon dahil diumano ay nagagamit na naman ang kaibigan niyang si Bea para magpa-good shot ang isang magkakaroon ng bagong tv show. Bukod doon hindi umano siya naniniwala na sincere ang paghingi ng apology kay Bea.

Aminado naman si Janus na kaibigan niya si Bea, at ganoon daw siya kung makipagkaibigan, kahit na patayan pa ipaglalaban niya ang kaibigan niya. Ngayon lang daw siya nagsalita dahil ang feeling niya sobra na.

At mukhang tama nga, may nagbabanta na sa kanya ngayon.

Samantala naman si Bea ay talagang kalmado na pero sinabi niyang totoo na may mga kaibigan siyang sobra rin ang concern sa kanya, na talagang hindi palalampasin kung may nakikita mang may nangyayaring mali sa kanya, “Ganoon lang siguro nila ako kamahal, at mahal ko rin naman sila” sabi ng aktres sa isang interview.

Ang malabo lang diyan, papaano naman ang mga male stars ng GMA na wala na ring trabaho?

Mga content creator hinahabol sa laki nang utang ng pilipinas

Delikado na rin ang mga gumagawa ng sex videos dahil hahabulin na rin sila ng BIR. Mara­ming mga internet content creator na gumagawa ng sex videos, kabilang na ang mga artista babae man o lalaki. Inilalagay nlla iyon sa isang internet platform at naniningil sa kung sino man ang gustong mapanood sila.

Ang internet platform ay kumikita naman dahil may komisyon sila sa sinisingil ng sex video creator.

Nagyayabang pa ang isang dating male indie star na naipapagamot niya ang asawa niyang may cancer sa paggawa niya ng mahalay na video, ngayon magtago na siya kung hindi niya kayang magbayad ng tax.

Sa laki ng utang ng Pilipinas ngayon, talagang lahat ng maaaring habulin para magbayad ng tax hahabulin ng BIR, maski na ang gumagawa ng sex video, maski na nga iyong mga prostitute basta napatunayan nila ang kita maaari nilang pagbayarin iyan ng tax. Malaki ang hinahabol ng BIR ngayon.

vuukle comment

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with