^

PSN Showbiz

Female personality na wagas sa kaka-ingles, kinalimutang pakisamahan ang mga kababayan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kasabihan na walang bayaning tinanggap sa kanyang sariling bayan. ‘Yun ang naisip ng aming source dahil sa isang pamosong female personality na parang hindi sinusuportahan ng kanyang mga kababayan sa tagumpay na naabot niya.

Hindi kagandahan ang paglalarawan sa kilalang-kilalang singer-actress ng mismong mga kababayan niya, bihira lang ang natutuwa sa kanyang popularidad, anyare?

Kuwento ng aming source, “’Yun nga yata ang dahilan kung bakit kapag may kumukuhang performer sa kanya sa mismong lugar nila, e, hindi niya tinatanggap.

“Palagi siyang busy, meron na raw siyang mas naunang schedule, hindi niya napagbibigyan ang invitation sa kanya para mag-show sa place kung saan siya lumaki,” unang kuwento ng aming impormante.

Maraming nakakausap na tagaroon ang aming source na puro kanegahan ang komento tungkol sa sikat na singer-actress. Lumaki raw agad ang kanyang ulo at nakalimot na sa kanyang pinanggalingan.

Napansin ng aming source, “Bakit kaya ganu’n ang image niya sa mismong bayan nila, e, parang okey naman ang singer-actress? Saan ba siya nagkulang sa mga kababayan niya?

“May mga kuwento kasi na walang-wala siyang PR, parang ihiniwalay na niya agad ang sarili niya sa mga tagaroon. Kahit ang mga dati niyang kaklase, ganu’n din kung i-describe siya.

“Ilang ulit na pala siyang ini-invite para sa reunion nila, hindi naman siya magpe-perform, pero hindi siya dumarating. Palaging bigo ang mga nang-iimbita sa kanya.

“Kaya napabayaan niya ang pakikisama, ang pagpapahalaga sa kung saan siya nagmula, ‘yun ang palaging sinasabi ng mga talagang nakakaalam ng nakaraang buhay niya bago siya nakilala,” mahabang kuwento ng aming impormante.

Nakakaloka nga dahil pati ang pagsasalita ng singer-actress ay palaging pinagpipistahan. Inglisera kasi ang female personality kahit hindi naman dapat.

Dagdag na kuwento pa ng aming source, “Kasi naman, ang lola n’yo, akala mo siya foreigner kung magbitiw ng mga salita. Dumudugo ang ilong ng mga nakikinig sa kanya dahil talagang straight English siya kung bumanat.

“Haaay, naku! Kaya lalong lumalayo ang loob sa kanya ng mga kababayan niya, parang ibang-iba na talaga siya ngayon, para nga namang ihinihiwalay na niya ang sarili niya sa mga taong dating kasalamuha niya,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Angel, tutok sa kanyang katawan

Parang pabiro pero totoo naman ang sinabi ni Angel Locsin na “Hindi bale nang chubby kesa sa ugly.” Nagsasabi lang siya ng katotohanan dahil sa kabila ng kanyang timbang ay napakaganda niya naman talaga.

Sa hirap ng buhay ngayong pandemya na walang trabahong pagkukunan ng ikabubuhay ang milyon nating mga kababayan ay kung bakit naman kasi ang katawan ni Angel ang pinagtutuunan ng mga bashers niya.

Napakaraming bagay na dapat nilang pahalagahan para sa ikauunlad ng estado ng kanilang buhay pero kung bakit ang pambubusisi sa malaking timbang ng katawan ng aktres ang parang prayoridad nila.

Mabuti na lang at kalmado lang si Angel, hindi siya sumasagot nang pabastos ang dating, tanggap niya ang katotohanan na totoo namang mataba siya.

Ano nga naman ang laban niya sa mga taong walang magawa sa buhay kundi ang mang-bash lang nang mang-bash ng mga artista? Mapapagod lang siya sa pagsagot at magsasayang ng panahon pero patuloy pa rin siyang lalaitin.

Sa ngayon ay tinututukan na ni Angel ang kanyang kalusugan, ang kanyang pangangatawan, hindi dahil sa nasasaktan siya sa mga umuupak sa kanya kundi para sa sarili niyang interes.

Hindi na nga naman siya bumabata, kailangan na niyang gumawa ng paraan para tamang timbang lang ang dapat na meron siya, dahil malakas na kaway sa pagkakasakit ang anumang sobra.

Pero balik tayo sa pabiro niyang sinabi na hindi bale nang chubby kesa naman ugly. Totoo naman ‘yun, sa kabila ng kanyang timbang ay hindi pa rin maitatago ang kanyang kagandahan, isa pa rin siya sa pinakamagandang artistang Pinoy.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Oo nga naman. Masaklap naman ‘yung ang taba-taba mo na nga, e, hindi ka pa kagandahan. At least, si Angel, masyuba man siya, e, beautiful pa rin!”

Kung may malasakit ang mga bashers sa timbang ni Angel, siyempre’y mas meron naman ang aktres dahil katawan niya ‘yun, siya ang nakakaram­dam ng hirap gumalaw dahil sa sobra niyang bigat.

May problema ba du’n? Mas sila pa ba ang nakakaalam ng kung ano ang dapat gawin ni Angel para bumagsak ang kanyang timbang?

vuukle comment

FEMALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with