^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad na binalikan ang ex, pinagbibintangang mana lang ang habol

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaawa rin ang pinagdadaanan ngayon ng isang kilalang male personality. Palaging pinagdududahan ng marami ang kanyang intensiyon sa muling pakikipagrelasyon sa isang pamosong female personality.

Minsan na silang nagkahiwalay, pero muling nagtagpo ang kanilang landas, at ang pagtatagpong ‘yun ang naging susi sa kanilang pagbabalikan.

Kuwento ng aming source, “Palaging kinukuwestiyon ng marami ang pakikipagbalikan niya kay ____(pangalan ng female personality). May kakaiba raw siyang intensiyon dahil iniwan niya ang babaeng matagal niyang nakarelasyon.

“Meron daw siyang kakaibang nakita sa female personality kaya hindi niya na pinahalagahan ang mahabang panahong pinagsaluhan nila ng ex niya,” unang impormasyon ng aming source.

Ayon sa mga nadududa sa hangarin ng male personality ay lumundag na raw nang napakalayo ang takbo ng kanyang utak. Kinabukasan na raw niya ang naisip agad ng lalaking personalidad.

Patuloy ng aming impormante, “Kasi nga, ang iniisip ng mga bashers nu’ng male personality, e, yayamanin daw ang girl. Malaki raw kasi ang nakatakdang kayamanan ng girl, matindi raw ang mamanahin niya mula sa kanyang papa dear.

“’Yun daw ang dahilan kung bakit binalikan ng aktor ang female personality, ‘yun daw ang reason kung bakit iniwan niya ang babaeng umaasang pakakasalan na niya!

“Nakakaawa lang ang male personality dahil kahit maganda namana ng hangarin niya sa female personality, e, pinagdududahan ang pagmamahal niya. Datung lang daw ang habol niya sa girl, ang mamanahin lang daw ng babae ang inaasinta niya!

“E, napakaganda ng relasyon nila, meron na silang anak, saka magkasundo naman ang male personality at ang biyenan niyang hilaw!

“Nakikita naman ng fadir ng girl na nagsisikap ang aktor, nagtatrabaho para sa kanyang mag-ina, kaya ibang tao lang ang naglalagay ng ibang interpretasyon sa relasyon nila ng female personality.

“Nakakalungkot ang ganu’n, kahit anong pagsisikap ang gawin nu’ng lalaki, e, pinagdududahan pa rin ng iba ang kanyang intention.

“’Yun ang ibinabato laban sa kanya ngayon ng kampo ng iniwan niyang girl. Datung lang kuno ang mahalaga sa male personality, ang mamanahin lang ng karelasyon niya ngayon ang hinihintay niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mr. M at Ms. Mariole, sasalain ang Kapuso stars

Napakalaking karagdagan bilang armas ng GMA-7 ang pagiging Kapuso na ngayon ni Direk Johnny Manahan. Kasama pa niya sa paglipat si Ms. Mariole Alberto.

Lahatin na natin ang mga sumikat na personalidad ng ABS-CBN, lahat sila’y dumaan sa mapagpalang kamay ni Mr. M, maliliit na buto ang mga artistang ito na nang alagaan ni Mr. M ang mga karera ay naging malaking puno at namunga.

Gumawa ng milagro si Direk Johnny Manahan sa kanyang sariling balwarte, ang Star Magic, ang pinagmulan ng mga namamayagpag na artista ngayon ng ABS-CBN.

Kung tutuusin ay puwede nang magpahinga si Mr. M mula sa ilang dekada niyang pamumuno sa departamentong ‘yun ng ABS-CBN. Milyonaryo ang mga Ledesma-Manahan sa Bacolod kung saan siya kabilang.

Hanggang ngayon ay meron pa siyang tinatanggap na malaking halaga mula sa Makati Medical Center kung saan ang kanyang amang doktor ang isa sa mga nagtatag ng ospital.

Pero totoong-totoo ang sinabi ni Mr. M. Ang nakasanayan nang ikot ng ating sistema ay hinahanap natin. Nabuhay siya sa mundo ng lokal na aliwan, napakarami niyang pinasikat na artista, ‘yun pa rin ang hinahanap-hanap ng kanyang katawan ngayon.

Marespeto ang pagpasok nila ni Ms. Mariole sa GMA-7. Nilinaw ni Mr. M na wala silang gustong tapakang kahit sino, tutulong lang sila sa mga aspetong puwede nilang ibigay pa, napakaayos na pahimakas ng isang bagong lipat na tagapamuno.

Parang nakikinita na namin ang magiging galawan ngayon sa GMA-7, consultant na sina Mr. M at Ms. Mariole, sasalain nilang mabuti ang mga karapat-dapat na personalidad na dapat bigyan ng magagandang palabas.

Maraming artistang kulang lang sa pagkakataong maipakita ang kanilang talento, nakasentro lang ang oportunidad sa iilan, samantalang napakarami nilang maaaring pakinabangan.

Masarap din sa pandinig ang sinabi niya na magiging prayoridad pa rin ng GMA-7 ang kanilang mga homegrown talents, pero hindi niya itinago ang isang katotohanan, marami pang mga artista ng ABS-CBN ang gustong kumabilang-bakod ngayon sa GMA-7.

Maganda ang kanyang payo sa mga umaambang lumipat. Tapusin muna nila ang kanilang kontrata sa ABS-CBN, magpaalam sila nang marespeto sa mga ehekutibo ng network, para walang problema at kontrobersiya ang kanilang paglipat.

vuukle comment

PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with