^

PSN Showbiz

Alexa, hindi pa ­confident na ­mag-pageant!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alexa, hindi pa ­confident na ­mag-pageant!
Alexa
STAR/ File

Ginagampanan ni Alexa Ilacad ang karakter ni Hannah bilang nakababatang kapatid ni Gerald Anderson sa teleseryeng Init Sa Magdamag. Matatandaang nagsimula bilang child actress pero ngayon ay nakahanda na raw gumawa ng daring scenes ang dalaga. “I wouldn’t say it’s daring and right now, personally as long as it’s done in good taste, and if my partner is good, if he’s the right partner. I think I would be willing naman to go a bit daring. Not so daring, just a bit. Kasi it’s art naman eh and as long as it’s done in good taste. It’s just acting, so why not,” natatawang pahayag ni Alexa.

Samantala, mayroong ilang nagtatanong sa dalaga kung posible ba itong sumali sa beauty contest kung may pagkakataon. Bukas naman umano sa posibilidad si Alexa at maaari niya itong subukan sa takdang panahon. “Hindi ko pa ‘yon naiisip to enter pageants. Ibang klaseng mundo ‘yan and sa ngayon hindi ko pa alam if ready ako or kaya kong tahakin ‘yan. But we’ll never know. Baka sa future magkaroon ako ng change of heart at gustuhin ko rin sumabak sa Miss Universe (Philippines). Siguro kapag confident na ako mag-two-piece, why not,” pagbabahagi ng aktres.

Bayani, nakatapos ng college habang kargador sa ivisoria

Naikwento ni Bayani Agbayani ang lahat ng hirap na naranasan noong kanyang kabataan pa lamang. Dahil sa hirap ng buhay ay kinailangang kumayod ng komed­yante sa murang edad habang nag-aaral pa lamang ng elementarya. “Kasi po, ang hirap, naku po! Sobrang hirap po ng pinagdaanan ng buhay ko since (nasa) elementary school pa lang ako. Nagtitinda ako ng mais, nagtitinda ako ng kahit ano bago pumasok ng eskwelahan. Elementary ha,” pagbabalik-tanaw ni Bayani.

Mula elementarya ay nagpatuloy sa pag-aaral sa pampublikong eskwelahan ang aktor. “Isipin mo nag-high school ako, hindi naman ako taga-Maynila. Ewan ko kung sisihin ako ng Araullo. Pumasok ako ng Araullo na ang address ko ay Pandacan, taga-FTI Taguig naman ako, dahil P88 lang ang tuition do’n,” dagdag niya.

Bukod sa pagtitinda ng kung anu-ano ay naranasan din ni Bayani ang maging kargador sa Divisoria. “Nakatapos ako ng college, nagkargador ako sa Divisoria. Nag-waiter na ako, lahat pinasok ko basta malinis na trabaho, marangal. Pinasok ko po lahat ‘yan para lang makapag-aral ako,” paglalahad ng aktor.

Dahil sa lahat ng naranasang hirap sa buhay ay hindi nagkukulang ngayon si Bayani sa pagpapangaral sa mga anak na babae. “’Yon nga ang binigay ng nanay ko na pangaral. Magtrabaho ka nang marangal, magtapos ka ng pag-aaral mo para may baon ka sa iyong future. Kaya iyon din ang sinasabi ko sa mga anak ko. Eh ang mga anak ko naman matatalino,” pagtatapos ni Bayani.      

 (Reports from JCC)

vuukle comment

ALEXA ILACAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with