^

PSN Showbiz

Yam, naiipit sa pagmamahal sa asawa at sa tungkulin sa kanyang bayan

Pilipino Star Ngayon
Yam, naiipit sa pagmamahal sa asawa at sa tungkulin sa kanyang bayan
Yam

MANILA, Philippines — Masyadong naiipit na si Rita (Yam Concepcion) sa kasong kinasasangkutan ng kanyang asawang si Peterson (JM de Guzman) at ina nitong Olivia (Tetchie Agbayani) laban sa mga tao sa bayan ng Talisay, sa Init Sa Magdamag.

Pinili man niyang hindi tumestigo laban sa kanyang biyenan, nakipagtulungan pa rin si Rita kay Tupe (Gerald Anderson) para mailabas ang katotohanan na ang ina ng asawa niya ang nag-utos para lagyan ng lason ang tubig ng nasabing bayan.

Gayunpaman, mukhang hindi pumapanig sa kanila ang katotohanan lalo pa at magaling mambaliktad ng katotohanan ang kinuhang abogado ni Olivia Alvarez. Kaya naman labis siyang nababahala sa sasapitin ng mga tao ng Talisay.

Habang ginagawa naman ni Tupe ang lahat ng kanyang makakaya para mahanap ang hustisya para sa kanya at sa kanyang komunidad, labis naman siyang nababahala sa sitwasyong kinahaharap ng dating nobya.

Ano kaya ang kahahantungan ng kasong isinampa ni Tupe laban kina Olivia at Peterson? Hanggang kailan kaya maiipit si Rita? Muli kaya siyang mawalan ng anak dahil sa sigalot na ito?

Mula sa Star Creatives, nasa ilalim ang Init Sa Magdamag sa creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

 

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with