^

PSN Showbiz

Bea, nagbaba ng TF sa GMA?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Nagbagsak na nga ba ng kanyang talent fee si Bea Alonzo kaya natuloy na rin siya finally sa GMA 7?

Noon pa naman inamin ng GMA 7 na interesado silang makuha si Bea. Bago pa man naglipatan sa kanila ang iba pang mga artista ng ABS-CBN, lumutang na ang pangalan ni Bea. Isa rin kasi si Bea sa mabilis na kumalas sa Star Magic nang umalis doon sina Johnny Manahan at Mariole Alberto, at nagpa-manage kay Shirley Kwan.

Si Shirley, bagama’t hindi na rin officially nasa Viva dahil independent manager na siya, ay identified pa rin sa nasabing kumpanya, at sinasabi rin na dahil sa pag-alis ni Bea sa Star Magic, wala na rin siyang choice kundi umiskapo sa ABS-CBN. At saan nga ba siya maaaring magpunta?

Hindi naman maikakaila na may nangyayaring negosasyon sa pagitan ng GMA at ng kampo ni Bea, hanggang sa pumutok nga ang kuwentong hindi na raw matutuloy dahil hindi rin makakaya ng network ang kanyang asking price.

Ganun naman kasi talaga ang nangyayari. May mentality sila na kung aalis din sila sa ABS-CBN, kailangang mas mataas ang ibabayad sa kanila. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi noon na mas mataas pa sa bayad ng ABS-CBN ang siningil nina Piolo Pascual at Maja Salvador sa baguhang producer na kumuha sa kanila sa show, kaya natigbak agad iyon. Ganoon naman ang iisipin ng kahit na sino. Gusto mo akong kunin, taasan mo ang talent fee ko. Ang nakakalimutan nila, ngayon ay may pandemya at bagsak ang ekonomiya.

Baka nawawala rin sa isip nila na hindi sila kinukuha mula sa ABS-CBN, dahil wala ngang franchise sa ngayon at kung iisipin, wala nga silang network. Mayroon namang piniling manatili sa ABS-CBN kahit na sarado ang network, tutal naman napapanood iyon sa cable, sa internet at sa blocktime sa ibang istasyon. Pero dahil sa limitasyon, hindi rin ganoon karami ang magagawa nilang shows para lahat ng artista nila ay mabigyan nila ng trabaho, at dahil nasa internet, cable at blocktime lang sila, hindi sila makasingil sa commercials na gaya ng dati, na ibig ding sabihin hindi nila kayang magbayad ng kagaya ng dati sa kanilang mga artista. Iyon ang talagang dahilan kung bakit marami silang stars na nagtatalunan sa GMA, at siyempre kung sila ay mga artistang “may pakinabang pa,” dadamputin sila ng mga taga-Kamuning.

Ngayon ang tanong, nagbagsak ba ng talent fee si Bea? May choice ba siya?

Nude photo ni Ricky Martin na kumakalat, luma na

Ang lakas naman ng tawa namin sa isang blogger, na nagmamabayang pa sa kanyang “exclusive” raw na kuwento. Ang kuwento niya nagkakagulo raw sa US dahil may lumabas na nude picture ni Ricky Martin dahil daw bahagi iyon ng isang fund campaign para maitayo ang isang monumento na gugunita sa isang insidente na involved ang LGBT.
Bakit hindi kami magtatawa eh iyong kuwento at ang litrato na iyon na sinasabi niya ay noon pang 2018. Dito sa atin, hindi na masyadong nabalita iyan dahil bumaba na ang popularidad dito ni Ricky simula noong umaming siya nga ay bakla at nagpakasal pa sa isang lalaki. Nawala ang kanyang Pinay fans. Iyan ang dahilan kung bakit hindi na kumalat iyan dito, pero hindi ibig sabihin hindi alam ng mga Pinoy. At saka sawa na rin ang mga Pinoy sa dami ng naghuhubad ngayon sa internet sa Pilipinas para kumita lang.

Gay matinee idol, muntik masuntok ng cosplayer sa paninilip

Wala na kasi ang “night outs” niya dahil sarado ang watering holes, kaya mga coffee shop naman ang iniikutan ng isang gay matinee idol. Sa isang coffee shop sa Makati niya nakita ang isang poging-pogi at sikat na international cosplayer. Pumorma agad ang gay matinee idol. Pero hindi siya pinansin at muntik pang nasuntok ng poging cosplayer nang sundan niya iyon sa CR.
 Kasi nang sundan naman daw niya iyon ay tinabihan niya sa urinal at obvious na sinisilipan. Nang ambahan naman daw ng suntok ay mabilis na lumayo ang napahiyang gay matinee idol. Kasi naman mapagpasok siya sa alanganin eh, hindi niya alam na maski nga ang isang gay high government official noon hindi pinatulan ng poging cosplayer eh, papaano niyang aasahan na patulan siya? May datung ba siya?

vuukle comment

BEA

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with