^

PSN Showbiz

Magaling na aktres, buntis!

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa kumpirmado, pero pinag-uusapan na sa isang group chat ng mga taga-showbiz kung totoong nagdadalangtao ba ngayon ang isang magaling na aktres.

Tahimik lang kasi itong si aktres at talagang gusto niyang mapanatili ang pribadong buhay kasama ang partner niyang kilala rin sa showbiz.

Nitong pandemya ay sobrang maingat si aktres na talagang namimili ng project na inaalok sa kanya. Ang ending wala na rin siyang nagagawa.

Maaaring may sapat naman siyang ipon kaya pinili muna niyang magpahinga pansamantala. Kaya posibleng mas pinili muna niyang magka-baby.

Sana totoo ito, kasi parang gusto naman niyang magka-baby. Hindi naman niya siguro idi-deny kung sakaling magkabukingan na.

Abangan na lang natin!

Cherie, nakabanggaan ang director kaya lumayas sa serye?!

Kasado na ang taping ng Legal Wives dahil nakatakda na silang iere sa susunod na buwan. Ito kaya ang ipapalit sa Heartful Café na apat na linggo na lang ang natitira?

Puspusan na ang taping nila dahil gusto nilang sarado na ang season one bago sila umere.

Naantala lang sila nang konti nang umatras na si Cherie Gil, kaya ni-revise ang script at naayos naman daw. Ayon sa ilang napagtanungan ko, hindi na raw sila naghanap ng kapalit sa role ni Cherie.

Ewan ko lang kung totoo nga ang narinig naming nagkabanggaan daw sila ng direktor nitong si Zig Dulay.

Nagawan naman daw ng paraan sa script, pero hindi na lang idinetalye sa amin kung pinatay o pababalikin pa ba ang karakter niya at iba na ang gaganap.

Pero curious kami rito sa Legal Wives dahil maganda ring maipakita sa mga manonood ang makulay na kultura ng mga kapatid nating Muslim.

Forte ni direk Zig ang ganitong tema kaya abangan natin.

Samantala, patuloy na pina-plug ang mga bagong drama series sa GMA 7.

Nasa afternoon prime ang Nagbabagang Luha na tinatampukan nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz at ang bagong Kapuso artist na si Claire Castro.

Meron ding Ang Dalawang Ikaw nina Ken Chan at Rita Daniela, at nasa lock-in taping na rin ngayon ang Las Hermanas nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith Da Silva.

vuukle comment

PREGNANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with