^

PSN Showbiz

Gagayahin si Alice… Zsa Zsa, gusto ring magkaanak?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gagayahin si Alice� Zsa Zsa, gusto ring magkaanak?!
Zsa Zsa
STAR/ File

Tamang-tama ang pagbabalik ni Alice Dixson ng bansa, kasama ang kanyang Baby A dahil babalik na sa taping ang Legal Wives.

Itong linggong ito ay isasalang na sa quarantine at swab testing ang mga kasali sa drama series na ito na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.

Pero hindi pa pala kasali roon si Alice.

Napag-alamang mga third week of May pa raw ang pasok niya, kaya may sapat pang panahon na maasikaso ang kanyang dalawang buwang anak.

Nakikita kay Alice ang sobrang alaga niya sa kanyang baby, kaya tinatanong nga namin sa production kung dadalhin ba niya ang baby niya sa taping.

Hindi pa naman daw napag-usapan sa produksyon sabi ng manager niyang si Popoy Caritativo.

Ang inaabangan na lang ay kung kailan niya ipapakilala sa publiko ang kanyang anak. Ang lakas ng kutob naming baby girl ito dahil sa ipinasuot niyang mittens sa kamay ng sanggol.

Marami ang masaya para kay Alice na nakikita namang feel na feel na niya ang pagiging ina.

Pinabulaanan naman ni Zsa Zsa Padilla ang balita na nagka- COVID 19 daw ito.

Ipinost niya sa kanyang Instagram account na nasa Amerika siya ngayon dahil nagpa-treat siya sa kanyang likod na matagal na pala niyang ininda.

Nahirapan lang daw siyang magpa-treat sa hospitals sa Maynila dahil sa maraming COVID patients.

First time rin daw niyang dumaan sa MRI dahil sa claustrophobic siya.

Kaya sinunod na rin niya ang payo ng partner niyang si Architect Conrad Onglao na sa Amerika na siya magpa-treat.

Bahagi ng post niya sa kanyang IG account; “I didn’t want to risk having my tests back home.

“My partner, Conrad decided to take me to see his brother, Dr. Art Onglao in California and he found a specialist for me. I also needed to check up with my OBGyn! What were the chances?!

“Since we arrived, I have been busy with all my much needed consultation and tests.

“Today, I had my last tes­t-ironically the MRI I most dread. What a finale, huh?! I’m happy though that Art found a machine for me that is so much less threatening than a regular MRI. And I’ve conditioned myself well enough to be braver and to keep smiling.”

Naintriga lang kami sa binanggit niyang magpapa-check up siya sa OB Gyne, at sinabi nga niyang “what were the chances?!”

May balak pa kaya si Zsa Zsa na magka-baby sila ni Conrad.

Baka type rin niyang sundin ang ginawa ni Alice Dixson ‘di ba? (SUNDAN SA PAHINA 8)

Thea Astley, nagging boses ng First Yaya

Si Thea Astley pala na produkto ng The Clash ang kumanta ng soundtrack ng First Yaya na Isang Tulad Mo at Ang Puso Kong ito’y Sa ‘Yo.

Ang laki ng pasasalamat niya sa GMA 7 dahil sa kanya ito ipinagkatiwala na kantahin at sumabay naman sa pag-hit ng First Yaya.

“Hindi ko ma-explain kung gaano kasaya and kung gaano ka-overwhelming ‘yung feeling of gratefulness and being blessed. Hindi ko talaga ine-expect that there would come an opportunity like this, to sing a theme song for a very big show kaya sobrang thankful ko and saya when I recorded it. Both of the songs are really nice and wonderful to listen to,” pahayag ni Thea.

Mapapakinggan ang kantang Isang Tulad Mo at Ang Puso Kong Ito’y Sa ‘Yo GMA Playlist sa YouTube.

Mapapanood na rin ang First Yaya at ang ibang programa ng GMA 7 sa iQiyi International strea­ming platform.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with