^

PSN Showbiz

Gerald, alam na kung saan nagkamali sa personal na buhay!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald, alam na kung saan nagkamali sa personal na buhay!
Gerald

Hanggang maaari ay nagagawang balansehin ni Gerald Anderson ang kanyang trabaho at personal na buhay.

Para sa binata ay malaking tulong sa kanyang pagiging aktor ang mga nararanasang hindi maganda sa totoong buhay. “Sa akin kasi despite kung anong pinagdadaanan ko sa labas ng set, kaya ko i-shut off lahat pagdating sa set. Kasi parang naging sanctuary ko or outlet ko ‘yung work para mailabas ko lahat ng frustrations ko. Sakto ‘yung last soap ko, A Soldier’s Heart tapos dumiretso ako dito (Init Sa Magdamag).

“Kumbaga two years medyo maraming nangyari sa celebrity life ko hanggang nga­yon. Sakto no’ng dumating si Alex Marasigan (karakter sa A Soldier’s Heart) and ngayon si Tupe (karakter sa Init Sa Magdamag). Ang ganda ng timing dahil sila ‘yung naging outlet ko. Even the good emotions, siyempre kasama sa trabaho iyan,” paliwanag ni Gerald.

Nakararamdam ng frustration ang aktor dahil sa mga masasamang salitang ibinabato ng mga tao lalo na sa social media. Nalulungkot din ang binata dahil hindi raw naiintindihan ng ilan ang kanyang emosyon bilang isang tao. “Lahat tayo na nasa industriya na ito, laging may mali. Kumbaga, gusto lang ma­kita ng tao kung ano ‘yung perspective nila, kung ano ‘yung tingin nila sa atin. ‘Yung ibang supporters natin na sobrang perfect ‘yung tingin sa atin, kapag nagkamali, marami nang nakaabang. ‘Yung bashers, ‘yung trolls, parang tinatrato tayong hindi tayo tao, walang emotions, walang pinagdadaanan din. It’s very hard to explain that sa mga tao,” giit ng binata.

Aminado si Gerald na nagkakaroon din siya ng mga pagkakamali pagdating sa kanyang personal na buhay. “Alam ko naman kung saan ako nagkamali. Ang dating sa ibang tao, wala lang sa akin. Kumbaga, nakikita lang naman ako kapag may interviews or kapag may lumabas na soap. Pero hindi naman nila nakikita kung paano ako sa bahay, kung paano ko ina-absorb lahat ng ito. Hindi ko sinasabi na parang ang dali lang sa akin ano man ang pinagdaanan ko. But kapag humarap sa camera, meron tayong personal life din. Alam ko kung saan ako nagkamali, alam ko kung ano ‘yung dapat kong matutunan. Sa akin na po ‘yun,” pagtatapos ng aktor.

Cheska, maka-diyos ang gusto para kay Kiko

Kamakailan ay napabalitang posibleng nagkahiwalay na bilang magkasintahan sina Kiko Estrada at Devon Seron dahil sa ilang post ng aktres sa social media. Inamin naman sa Magandang Buhay ni Kiko na totoong single na siya ngayon. “Yeah! I’ll take this one from my mama. I think it’s a proper way for a man to say my status in life. Well yeah, I’m single. So I focus on work. Kasi ang pangit if my mom’s going to say this for me. My mom told me that for people to respect me you have to do right thing,” makahulugang pahayag ni Kiko.

Si Kiko ay anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz. Ayon sa dating aktres ay ang pagiging maka-Diyos ng isang babae ang siyang nararapat para sa anak. “I think the most important for me is that person should have God in her life. ‘Yung kanyang relationship with God is very important with me because if you have that relationship, you are set for life. You are set for eternity. That’s the only thing I would want sana but like I told you, whoever loves kasi you have to love also,” pagbabahagi ni Cheska. Reports from JCC

 

 

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with