Celebrities sama-samang dinepensahan 'community pantries' sa red-tagging
MANILA, Philippines — Nagkaisa ang sari-saring artista at personalidad sa showbiz para depensahan ang mga community pantries na namimigay ngayon ng libreng pagkain dahil sa kagutumang dala ng lockdowns, bagay na iniuugnay ngayon ng ilang ahensya ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines at New People's Army (CPP-NPA).
Martes kasi nang mapilitan ang organizers ng Maginhawa Community Pantry na pansamantalang isara ang kanilang serbisyo alang-alang sa seguridad, matapos aniya ang harassment ng Quezon City Police Department (QCPD) sa kanilang organizers.
Iniugnay din ng QCPD at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang ilang pantries sa mga rebeldeng komunista lalo na't "nagpropropaganda" raw sila kontra gobyerno. Ito'y kahit wala namang baril ang mga organizers at hindi rin iligal maglabas ng saloobin pagdating sa COVID-19 pandemic response ng gobyerno.
"So pati pagtulong, ire-red tag? Mapapakain nyo ba lahat nang nakapila dyan? Wala nga kayong mga plano, mamasamain ninyo pa ang pag-tulong?" ani Agot Isidro kahapon, na dati nang kilala para sa kanyang opinyong pulitikal.
So pati pagtulong, ire-red tag?
— Agot Isidro (@agot_isidro) April 19, 2021
Mapapakain nyo ba lahat nang nakapila dyan? Wala nga kayong mga plano, mamasamain ninyo pa ang pag-tulong?#pakshetnagobyernoito
"Dios ko po nakakatakot na tumulong na re red tag agaaadd!" wika ni Pokwang kahapon, na mas kilala sa pangalang Marietta Subong sa totong buhay.
Dios ko po nakakatakot na tumulong na re red tag agaaadd!!! @cnnphilippines watching now katakot...
— marietta subong (@pokwang27) April 20, 2021
Tila binanatan naman ni Alessandra de Rossi si Pangulong Rodrigo Duterte, habang sinasabing ginagawa ang mga panggigipit dahil "hindi niya ideya" ang mga community pantry na namimigay ng libreng pagkain.
Aniya, nanggaling na rin daw siya sa parehong sitwasyon kaya naiintindihan niya ang pinagdaraanan ng organizer na si Ana Patrica Non.
How to spot a vulnerable narcissist...
— alessandra de rossi (@msderossi) April 20, 2021
Ayaw nya pag di nya idea.
Kailangan sya nakaisip or else ilalagay ka nya sa impyerno for coming up with one.
Been there. ????
Wika naman ng komedyanteng si Ramon Bautista, hindi dapat sinisikil ang mga community pantry lalo na't wala naman itong ginagawang masama.
Biro naman ng ex-"Pinoy Big Brother" housemate na si Dione Monsanto, tila binibigyan lang ng gobyerno ng problema ang mga solusyong ibinibigay ng mgba aktibista at concern citizens sa gitna ng mabagal na pandemic response.
Bakit nila binabanatan yung community pantry, e wala naman silang ginagawa?
— Ramon Bautista (@ramonbautista) April 20, 2021
Government’s response to Community Pantries:
— Dionne Monsanto (@DionneMonsanto) April 20, 2021
“Bigyan natin ng problema ang solusyon nila.”
Ilang Pinoy celebs naman ang direktang tumulong sa pagtatayo ng community pantry sa kanilang lugar, gaya na lang ni Gabby Garcia sa Lungsod ng Paranauqe.
"[T]his is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way," ani Gabbi.
"[T]o all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan."
Kakulangan ng ayuda
Ika-19 ng Abril nang sabihin ng Department of the Interior and Local Government na nasa 40% pa lang ng ayuda ang naibibigay ng gobyerno sa mga benepisyaryo nito sa Metro Manila ilang linggo matapos ipatupad ang pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ), dahilan para hindi makapasok ng trabaho ang milyun-milyong katao.
Nangyayari ang lahat ng panggigipit sa community pantries kahit na "pinupuri" ito ng Malacañang. Humingi naman ng paumanhin si QCPD director Brig. Gen. Antonio Yarra kay Non dahil sa panre-red-tag na ginawa sa efforts nina non at tiniyak ang kanyang kaligtasan.
Una na ring tiniyak ni Quezon City Joy Belmonte na mananatiling ligtas ang mga organizers at beneficiaries ng pantries lalo na't sinusuportahan niya ang Bayanihang ito na umaabot na sa 70 sa kanilang lungsod pa lang. Sinasabing nag-resume na uli ng operasyon ang pantry sa Maginhawa street sa ngayon. — James Relativo
- Latest