^

PSN Showbiz

Marian masipag na endorser!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Marian masipag na endorser!
Marian

MANILA, Philippines — Bawing-bawi ang mga produktong ineendorso ni Marian Rivera, huh!

Imagine, halos araw-araw nagpo-post si Yan ng produkto ng pag-e-endorse niya ng products mula sa gamit sa katawan at gamit sa bahay!

Eh, 10.5M ang followers ni Marian kaya sulit na sulit ang bayad sa kanya ng mga nagtiwala sa kanyang product owners! Ang sipag-sipag kasi ng GMA Primetime Queen, huh!

Samantala, pampatanggal ng pagod ng asawa niyang si Dingdong Dantes ang pag-inom ng wine matapos ang work from home.

Gamit-gamit pa rin ni Dong ang glass wine na ipinangalan sa asawang si Marian na ginamit nila noong kasal nila last 2016!

“Basta kasama kita sa oras ng alas singko, tanggal ang pagod ko!”  bahagi ng post ni Dong habang nasa background sa picture si Marian.

Lovi, ilag na sa kissing scenes

Namalikmata yata kami nang mapanood ang eksena ni Benjamin Alves na hahalikan si Lovi Poe na leading lady niya sa Kapuso series na Owe My Love.

Dinaya kasi ang paghahalik at sa gilid ng mukha dumampi ang labi ni Ben! Hindi sa pisngi o labi ni Lovi, huh!

Teka, nililimitahan na ba ni Lovi ang pagkakaroon ng kissing scene sa kanyang leading man? Hindi naman nakilala si Lovi sa mga una niyang proyektong nagawa na palaban sa kissing scenes, huh! 

 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with