^

PSN Showbiz

Entertainment industry, napuruhan din ng COVID-19!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Buong buwan ng Abril, ECQ na nga ang NCR Plus.

Marami ang naniniwala na lalawig pa ang ECQ  dahil wala pa namang katiyakan ang pagdating ng ibang bakuna.

At ang malubhang epekto niyan, mas lulugmok na talaga ang industriya ng entertainment sa ating bansa.

Walang magagawang bagong TV shows at wala ring sinehan na maglalabas ng pelikula.

Ipipilit nila ngayon na ang mga pelikulang ipalabas ay internet muna. Eh mamumuhunan ka ba ng mala­king halaga kung alam mong wala ka namang kikitain sa internet.

May naniningil ng P150 na lang, mapapanood na iyon ng buong pamilya, kung may maganda pang gamit, makokopya pa ang pelikula mo at mapapanood na iyon ng lahat ng kapitbahay nila.

Kaya sino ang gagawa ng disenteng pelikula kung ganyan?

Ang makukuha mo riyan, mga baguhang artista na maliit lamang ang talent fee o hindi na gaanong sikat.

Nangangahulugan din iyan na higit na maraming manggagawa ang mawawalan ng trabaho. Mas marami ang posibleng hindi nga mamatay sa COVID, pero patay naman sa gutom.

Kabilang din diyan ang lahat ng mga manggagawa sa mga sinehan na mahigit isang taon nang nakasara at mukhang malabo ngang mabuksan sa malapit na hinaharap.

Talagang gutom pa ang entertainment industry sa ngayon.

Aasa na muna sila sa ibibigay ng barangay na ayuda, kung may makakarating.

Andrea, ayaw munang magdyowa

Ayaw daw munang pumasok na muli ni Andrea Torres sa isang love affair.

Kalabisan na sigurong sabihin na iyan ay dahil sa frustrated siya sa nangyari sa love affair nila ni Derek Ramsay.

Nagkasama lamang sila sa isang ginawang serye at bigla na lang na-in love sa isa’t isa.

Naging maganda naman ang kanilang relasyon, napag-uusapan pa noon ang posibilidad ng isang kasal. Sinasabing kasama pa si Andrea sa pagpaplano maging sa bagong bahay ni Derek, nang bigla na lang nag-split matapos na mag-live in din ng ilang panahon.
Hindi maililihim na nag-live in din sila, dahil noong magkaroon nga ng problema sa mata si Derek dahil na-expose raw sa UV lamp, si Andrea ang nagsugod sa kanya sa ospital nang madaling araw.
Mas unang naka-move on si Derek dahil ngayon ay syota na niya at ka-live in na rin ang dating live-in partner ni John Lloyd Cruz na si Ellen Adarna. Minsan nga ang biruan, siya ang “ins­tant daddy” ni Elias Modesto na anak ni John Lloyd kay Ellen.
Pero si Andrea, siguro nga totoo ang sinasabi niyang naka-move on na siya, pero ayaw pa rin niyang pumasok agad sa panibagong relasyon.

Director na hindi kumikita ang pelikula, alaga sa ayuda ang mga kursunadang male starlet

Mabuti naman ang ginagawa ni direk. Tutal kahit na papaano naman ay kumita siya sa kanyang nagawang pelikula kahit na hindi naman kumita ang mga iyon. Nagbibigay siya ng ayuda ngayon sa poging male starlet na kursunada niya. Kung ano man ang kanyang motibo sa pagtulong sa mga pogi, wala na tayo roon basta nakakatulong naman siya.

At saka depende na rin naman iyon sa mga pogi kung aayudahan din nila si direk o hindi. Hindi naman sila mapipilit eh.
Pero mayroon daw isang pogi na inaayudahan ni direk wala pa mang COVID, at kahit na nga­yong may asawa at magtatatlo na ang anak noon ay tuloy pa rin ang ayuda.

vuukle comment

ANDREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with