^

PSN Showbiz

Kilabotitos nina Ogie at Ian, pinanghinayangan na hindi napanood ng live!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kilabotitos nina Ogie at Ian, pinanghinayangan na hindi napanood ng live!
Ogie at Ian

Biglang nakaka-miss manood ng face-to-face concert.

More than a year now, pero far from over pa ang kinakaharap nating health crisis, kaya matagal pa rin ang hihintayin nating lahat para makapanood ng live concert.

‘Yun talagang super tili at applause ka sabay sing-along.

Lalo na kung super relate ka sa mga kinakanta.

Na bukod sa nahirapan kang mag-park, problema mo pa pagkatapos ang super traffic sa parking area, halimbawa sa Araneta Coliseum or Mall of Asia.

Pero iba ang happiness lalo na at may LSS pa.

At itong-ito ang naramdaman ng mga nanonood ng Virtually Yours, Kilabotitos concert nina Ogie Alcasid and Ian Veneracion na napanood sa KTX.ph.

Whoaaa. Ang ganda ng line up of songs nila - throwback pero rela-table. ‘Yung tipong maririnig mo pa rin sa mga FM radio station.

Saka ‘yung iniisip mong new normal na pala talaga ang buhay kahit na nga hindi mo naman first time nanonood ng virtual concert.

Isang taon naudlot ang Kilabotitos dahil sa pandemyang ito pero nai-push nina Ian at Ogie last Friday night.

Ang glossy ng presentation at parang nasa venue ang feel mo, hanggang na-realize mo naka-pajama na ka na pala habang pinapanood sila. 

Ginanap ang Kilabotitos sa Music Museum with live band at may guest – Gian Magdangal Moria Lacambra and Lara Maigue.

Live concert ang concept kaya lalong na-appreciate ng mga nanood, virtually.

Anyway, revelation si Ian sa concert. First time ko siyang napanood at totoo pala na kayang-kaya niyang magdala ng concert.

No doubt sa kahusayan ni Ogie, given na ‘yun.

Pero nagkaroon ng ibang flavor sa kanilang pagsasama. 

Saka ramdam mo ang kilig sa kanila. Idea ni Ogie ang pagsasama nila sa concert na ito.

Hindi lang puro kantahan ang naganap, nahaluan nila ng komedya.

Congrats titos Ogie and Ian.

 

 

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with