^

PSN Showbiz

Nadine kinakapa pa ang career

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Nadine kinakapa pa ang career
Nadine
STAR/ File

Malakas ang loob ni Nadine Lustre na magsabing hindi siya nag-aalala sa demanda ng mga dati niyang producers at managers, ang Viva Artists Agency. Sinasabi ng Viva na paglabag sa kontratang pinirmahan ni Nadine na dapat ay tumagal hanggang 2029 ang kanyang pag-alis sa kumpanya.
Sa biglang tingin, may mali nga kasi ang isang kontrata ay kasunduan ng dalawang parte, at sinasabi ng batas na iyon ay hindi maaaring i-terminate “unilaterally”. Pero may katuwirang sinasabi si Nadine, na siya raw ay itinali sa isang one sided at oppressive contract ng kanyang mga dating managers. May isa pang factor na naglalaro riyan, ang “utang na loob”.
Pero huwag na nating pakialaman ang merito ng kaso dahil iyan ay nasa hukuman na. Ang gusto naming tingnan ay iyong pagbale wala ni Nadine sa nangyayari.

Aminin natin na ano man ang sabihin niya, hindi naman instant star si Nadine. In fact, marami siyang projects na hindi siya halos napansin. Napansin lang siya noong i-build up sila ng Viva bilang magka-love team ni James Reid. Pero alamdin naman ng mga manager nila na hindi maaaring sila na lang ang magkasama habang panahon. Bigla kasi silang nalampasan sa popularidad ng Aldub, at naiwan nang husto ng Kathniel. Iyon ang dahilan kung bakit nag-eksperimento ang producers nila na paghiwalayin sila ng project, pero dalawang magkasunod na pelikula nga ni Nadine ang nag-flop.

Maliwanag na hindi siya makakatayo kung wala si James Reid.

Nagkamali rin ng diskarte si Nadine. Para makabawi sa dalawang flop, isinasama sana siya sa pelikula ni Aga Muhlach.

Tinanggihan iyon ni Nadine, dahil siguro ang feeling niya maliit lamang ang role. Eh iyong pelikula naging top grosser sa MMFF.

Kung tinanggap niya iyon, nabura sana ang paniwalang nag-flop siya. Sa ngayon, walang ­malaking project na ginagawa si Nadine, nasabay pa kasi sa pandemic, at saka may unwritten rule ang mga beteranong producers eh, basta may artistang umalma, hindi nila kinukuha iyan dahil alam nila puwedeng pagdating ng araw kalabanin din sila. Kung pag-aaralan ninyo, lahat ng mga artistang nakipagdemandahan o lumayas sa kanilang mga producers, walang umangat maliban sa dalawa lang. Nang umalis si Amalia Fuentes sa dati niyang producer, sikat na sikat talaga siya at nakahanda siyang mag-produce ng sarili niyang pelikula.

Nang sumabit din si Nora Aunor sa mga demanda, matindi ang popularidad niya, at kahit na sinong producer naman susugal sa kanya.
Sa status ni Nadine, malayo pa siya sa ganyan.

Gerald sinusubukang i-damage ­control ang kanegahan

Kumikilos ang ­damage control para unti-unting maibalik ang popularidad ni Gerald Anderson.

Hindi naman kami naniniwalang masyadong na-damage ni Bea Alonzo ang career ni Gerald sa ibinunyag nitong ghosting kaya mahirap ibangon si Gerald, pero siguro nga nagkapatung-patong na kasi iyan eh, simula pa noong split nila ni Kim Chiu, at mukhang iisa nga ang pattern.

Kailangan talagang mag-damage control ni ­Gerald, lalo’t kung ang pagbabasehan mo ay ang sinasabi ng mga netizen tungkol sa kanya na ­syinota niya lahat ng endorser ng brand ng shampoo. Pero mukhang mas wise sana kung ­nagpalipas muna    sila nang ­kaunting panahon.

Sana ay pinalipas muna nila ang init ng ulo sa tao sa kanya at saka nila iyon tinabunan ng positive comments naman. Pero sa ngayon, mukhang ano man ang gawin nila talagang nega ang dating ni Gerald at ng girlfriend niyang si Julia Barretto.
At walang damage control sa ngayon na makakapag-ahon sa kanila.

Male model na bakla, biglang bagsak ang career

Kawawa naman ang isang dating sikat na male model. Dumaan ang panahon na sikat na sikat siya talaga at in demand, pero aywan kung bakit lumamig na bigla ang kanyang popularidad. Bagsak din ang isang negosyong kanyang napasukan at ngayon ang inaasahan lamang niya ay ang mga barya-baryang kinikita sa pagba-vlog. Mayroon din daw na ine-endorso niya pero walang bayad at binibigyan lang siya ng produkto nila.
Dahil doon, mukhang tinatamad na rin naman siya at paminsan-minsan mo na lang makitang nagba-vlog.

Saka ang lakas kasi ng ugong ng tsismis na berde rin ang kanyang dugo kaya malabo naman siyang makapag-asawa ng mayaman.

vuukle comment

VIVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with