^

PSN Showbiz

Fans ni John Lloyd, disappointed

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Fans ni John Lloyd, disappointed
John Lloyd
STAR/ File

Totoong marami ang disappointed nang malaman nilang nagso-shooting na pala si John Lloyd Cruz ng kanyang comeback movie, pero hindi ang unang nai-announce ng Star Cinema na pagtatambalan nila ni Bea Alonzo, kundi ibang pelikula na dinirek ni Lav Diaz.

Siguro nga ang nasa isip ni John Lloyd maaari pa siyang mag-ego trip at gumawa ng ganoong pelikula, hindi man kumita, para lang siyang nag-extend ng kanyang bakasyon. Madali namang makabawi agad dahil pagkatapos niyan ay makagagawa naman siya ng isang pelikulang gusto ng fans kaya ok lang.

Siguro, naisip din niyang kung gagawa siya ng isang pelikulang commercially viable agad, baka naman matapos iyon ay hindi pa bukas ang mga sinehan, babagsak din lang sa internet at wala ring mangyayari.

Eh iyang pelikulang ginagawa niya ngayon, hindi pang-sinehan iyan, pang-international filmfest yan, lalo na kung hahaba ng apat na oras o higit pa. Minsan naman kasi, gusto ring maranasan ng mga artista ang gumawa ng ganyang klase ng pelikula, lalo na’t kung hindi naman makaka-apekto sa kanilang career.

Doon sa shooting naman nila sa Bicol, nakitang ganoon pa rin naman ang popularidad ni John Lloyd. Nagkagulo ang maraming tao nang malamang naroroon siya para sa shooting ng kanyang pelikula. Gusto man daw niyang lapitan ang kanyang fans ay binawalan siya dahil kailangan ngang sundin ang social distancing at kung lalapit sa mga iyon, tiyak na magkakagulo sa set.

Ang maganda nga ngayon kay John Lloyd, napatunayan na niyang napanatili niya ang kanyang popularidad sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya.

Sa totoo lang, si John Lloyd lang ang inaasahan nilang maaa­ring makapalit agad sa ating mga matured leading men na lahat ay nagkaka-edad na rin naman. Kailangan na talagang mag-adjust tayo sa susunod na age level at sino pa nga ba ang puwede maliban kay John Lloyd?

Sana lang matuto talaga siyang mamili ng mga project na kanyang gagawin.

Nora, nakalimutan na sa listahan ng ‘national artist’

Lumamig na ang usapan tungkol sa deklarasyon ng national artists, ni hindi na nakakasingit sa mga usapan na tungkol sa bakuna. Tumahimik na sila matapos na si Nora Aunor na mismo ang magsabi sa kanyang  fans na tumahimik na at pabayaan na lang iyon kung ayaw talagang ibigay sa kanya ano man ang sabihin ng mga tao.

Noong una pa kasi ay na-by pass na siya ni Presidente Digong, at mukhang ang presidente ay hindi nagbabago ng kanyang desisyon ano man ang sabihin ng mga tao.

Pagbatayan na lang ninyo ang kanyang naging desisyon sa ABS-CBN.Kaya noong una ay ni-reject niya si Nora dahil sa nabalitang nature ng kaso nito sa US, malamang ganoon din ngayon.

Pero hindi man kasama si Nora, tuloy pa rin ang deklarasyon ng mga national artist at baka may makasama ring ibang taga-showbusiness.

Baklang aktor, ngayon lang pinag-interesan ang dating katrabaho

Hindi pa rin pala lumilipas ang hilig ng isang gay male star. Ngayon ang sinasabi, mukhang sinusundan niya ay isa ring male star na dati niyang nakasama sa show bago iyon lumipat sa kalaban nilang show. Noong araw ay hindi niya pinapansin ang male star kasi hindi naman masyadong pogi iyon pero nang mag-mature ay naging pogi talaga. Mas pogi pa nga ngayon sa gay male star.

Malakas ang loob ng gay male star na lapitan ang mas batang male star, una dahil magkakilala na nga sila, at ikalawa dahil may tsismis din namang game rin ang mas batang male star. May panahong sinasabing ang mas batang male star ay pumatol sa isang closet gay na may girlfriend daw ngayong aktres. Sinasabi ring pumatol iyon sa isang mas matanda sa kanyang female tv reporter.

Actually dalawa silang may interest sa younger matinee idol. Kasi sinasabing crush din daw iyon ng isang gay tv host na galing sa isang prominent family. Kung totoo iyon, iyan na ang ikalawang pagkakataong magiging magkaribal ang dalawang gay tv host. Nagkalaban din sila noon sa isang sikat at poging male model, at ayon sa kuwento ang gay na galing sa prominent family ang nagwagi.

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with