^

PSN Showbiz

Misis ng aktor, nasusulsulan ng mga kamag-anak kaya nagkakaproblema sa asawa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May isang piyesang ganito ang mga letra. “When we’re hungry, love will keep us alive.” Ganu’n daw. Pero maraming kumokontra na ganito naman ang panlaban. “When hunger strikes, love flies out of the window.”

Totoo nga naman. Kapag kinakapos na sa pananalapi ang mag-asawa, nagiging madalas na ang kanilang pag-aaway, hanggang sa tuluyan na silang maghiwalay.

Ang tanong, ganu’n nga kaya ang naganap sa isang mag-asawang personalidad na balitang-balitang hiwalay na ngayon, pera nga ba ang naging ugat ng kanilang mga hindi pagkakaunawaan?

Paalala ng aming source, “Balikan natin ang maraming hiwalayan sa showbiz, pera rin ang naging dahilan, tulad nu’ng mag-asawang singers na nagdesisyon ang girl na humiwalay na dahil sa pagiging iresponsable nu’ng male singer.

“Banat nang banat ng buto ang girl, tulog lang naman nang tulog ang male singer sa maghapon, kaya nu’ng hindi na nakatiis ang girl, babu na siya sa kanilang relasyon!” unang hirit ng aming source.

Ganu’n din ang nangyari sa matagal na sanang relasyon ng isang aktres at ng isang komedyante, pera rin ang dahilan ng kanilang hiwalayan, mapaghanap ang babae na hindi kinayang ibigay ng komedyante.

Sabi ng aming impormante, “Magranatsa ang girl, nasanay sa luho, pero hindi ‘yun nakayang ibigay sa kanya ng comedian, kaya naghanap ng yayamanin ang girl!” sabi ng aming source.

Sa estado naman ng kasalukuyang pinagpipistahang relasyon ay pera rin ang itinuturong naging ugat ng kanilang pagkakalabuan. Walang gaanong trabaho ang male personality na maiintindihan naman dahil sa pandemya.

Isang source ang nagkuwento, “Kumikita naman ang guy, hindi nga lang kasinglaki nu’ng wala pang pandemya. Nagtatrabaho siya, hindi na nga siya namimili ng project, dahil ang priority niya, e, ang kanyang pamilya.

“Hindi naman sila nagugutom, nakapagpo-provide naman ang lalaki para sa pangangailangan ng mag-iina niya, pero mapaghanap ang girl. Hindi rin magandang pakinggan na siya pa ang nagkakalat ng kuwento na sa kanya na lang umaasa ang lalaki.

“Bukod du’n, e, may iba pang mga issues na kailangan nilang i-address kung talagang gusto pa nilang hindi mauwi sa wala ang relasyon nila.

“May kailangang plantsahing mga problema ang girl tungkol sa mga kapamilya niya mismo. Magulo ang buhay ng mga taong ‘yun, kaya pati silang mag-asawa, e, naging problemado na rin!

“Maraming umeeksena sa problema nila, may mga bulong brigade sa part ng girl, hanggang pinakikinggan niya ang mga bulong at sulsol, e, wala talagang mangyayari sa relasyon nila!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Baron, hindi na naghahamon ng giyera!

Pagkatapos ng aming interview kay Baron Geisler sa Cristy Ferminute nu’ng Huwebes nang hapon ay gusto na naming kurutin ang aming sarili. Siya ba talaga ang nakapanayam namin?

Ibang-ibang Baron Geisler na kasi ang nakakuwentuhan namin nang kalahating oras. Ni bakas ng nakaraang Baron ay hindi namin nakita sa kanya. Isang bago at nagbabagong magaling na aktor na ang tumambad sa amin.

Wala na ang basagulerong aktor na kapag inapuntahan ng galit ay walang pakialam sa mundo, naghahamon ng giyera, dahil hindi niya inilalagay sa tiyan kundi sa ulo ang kanyang paglalasing.

“Napakatagal ko pong pinroseso ang pagtalikod sa bisyo. Hindi naman po kasi ‘yun makukuha sa madaliang process lang. Step by step, kailangan mo talagang magpairal ng disiplina.

“I don’t want to hurt people specially my family, naging mayabang ako, sarado, palaaway, pero ngayon po, ibang-iba na ang pananaw ko sa buhay. Marami po akong nakuhang lessons sa nakaraan,” pagpapakatotoo pa ng isa sa pinakamahusay na aktor ng industriya.

Sa Cebu na sila naninirahan ng kanyang asawa, meron na silang anak na palaging nagpapaalala sa kanya ng pag-asa, matindi ang pasasalamat niya sa Viva Artists Agency na muling nagbangon sa kanyang karera.

“Saludo po ako sa Viva, kay Boss Vic del Rosario, kay Ma’m Veronique, tinanong po ako ni Boss Vic kung ano ang gusto kong mangyari. Sabi ko, to work and work for my family.

“Napakasimple lang po ng sagot niya, ‘Sige, ako na ang bahala. Kami na ang bahala sa iyo.’ And gulat na gulat ako! Tinupad ni Boss Vic ang sinabi niya sa akin, marami akong projects sa kanila ngayon!” namamanghang pasasalamat ni Baron.

Nag-lock-in taping siya para sa Kagat Ng Dilim ng TV5, malapit nang ipalabas ang pinagbibidahan niyang pelikulang Tililing, at may negosyo pa silang talking shirts ngayon ng kanyang misis na todo-todo ang suporta sa kanya.

Bungo ang tatak ng kanilang mga ibinebentang t-shirts na suportado ng mga milenyal, kinakarga na sila ng Lazada at Shopee, kaya inspirado ang magaling na aktor.

Napakaligaya namin para kay Baron Geisler, siya mismo ang nagsasabing sa tulong ng Diyos ay magtuluy-tuloy ang kanyang pagbabago, hindi siya nagdadamot ng kredito sa mga naging dahilan ng maaliwalas nang takbo ng kanyang buhay ngayon.

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with