^

PSN Showbiz

Star-studded Kapamilya strong event tickets, ubos agad

Pilipino Star Ngayon
Star-studded Kapamilya strong event tickets, ubos agad

Naubos agad ang tickets sa ktx.ph para sa inaabangang Kapamilya Strong event ng ABS-CBN ngayong Biyernes, isang araw simula nang inanunsyo ito ng Kapamilya network.

Agad sumugod ang fans sa ktx.ph para makakuha ng tickets upang mapanood ang pagpirma ng bagong kontrata sa network nina Maymay Entrata, Edward Barber, Francine Diaz, Donny Pangilinan, Arjo Atayde, at Gary Valenciano. Maaari rin silang makita sa video wall bilang virtual audience.

Kaabang-abang din ang mga sorpresa para sa anim na Kapamilya stars mula sa mga taong malapit sa kanilang mga puso, pati na ang pagsalubong sa kanila ng ABS-CBN executives.

Samantala, ipapalabas din ang Kapamilya Strong event pati na ang media conference pagkatapos ng contract signing ng LIVE sa Facebook pages ng ABS-CBN, Star Magic, pati na sa iWant­TFC.

Maski global fans, maaaring samahan ang Kapamilya stars sa kanilang bagong milestone sa pamamagitan ng livestream sa TFC IPTV sa Peb­rero 26.

Huwag kalimutang ipakita ang suportang pagmamahal kina MayWard, Francine, Donny, Arjo, at Gary V sa “Kapamilya Strong” ngayong Biyernes at sa pag-tweet ng event hashtag na #Kapamilya­Strong sa social media.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with