^

PSN Showbiz

Aktor na si Teejay Marquez, nagpaopera ng lumalaking boobs

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Aktor na si Teejay Marquez, nagpaopera ng lumalaking boobs
Teejay
STAR/ File

Pang-second time na...

Noong isang araw ay muling sumailalim sa isang operasyon si Teejay Marquez dahil sa gynecomastia. Iyan iyong paglaki ng dibdib ng isang lalaki, o kung minsan ay tinatawag na “man boobs,” at iyan ay dahil diumano sa nangyaring hormonal imbalance sa ibang mga tao. May naiipong taba sa paligid ng dibdib, hindi naman talaga problema iyon maliban sa kukulitin ka nga lang ng mga tao kung bakit lumalaki nang ganoon ang dibdib mo.

Three years ago ay sumailalim na rin si Teejay sa isang operasyon, pero kailangan ngang ulitin iyon after three years para maalis nang lahat ang fats doon at hindi na umulit.

Noong isang araw nga, dahil hindi naman siya magiging busy sa mga kasunod na araw, naisipan na niyang makipagkita sa kanyang doctor na si Dr. Vicente Firmalo, at mabilis ngang isinagawa ang operasyon. Matapos naman ang operasyon ay nakauwi agad si Teejay.

Ka-chat namin si Teejay pagkatapos niyang sumailalim sa operasyon, at sinasabi nga niyang gusto niyang makauwi agad bago mawala ang effect ng anesthesia na inilagay sa kanya, para kung sumakit man, nasa bahay na siya.

At least panatag na ang loob niya na huling operasyon na niya iyan.

Julia madalas sa resort ni Gerald, fans ‘di kinikilig kina Bea at Dominic

Isang netizen ang “mala-paparazzi” na nakakuha ng picture ni Julia Barretto habang nagbabakasyon noong isang araw sa private resort ni Gerald Anderson sa Botolan, Zambales. Mukhang malayo ang distansiya ng kumuha ng picture at mukhang hindi naman niya kakilala ang mga kausap ni Julia.

Wala rin naman siyang kuha noong araw na iyon kay Gerald sa resort. Maaaring hindi niya natiyempuhan si Gerald. Maaari rin namang nagpupunta roon si Julia, at nagagamit niya ang resort kahit na wala si Gerald. Ibig sabihin talagang open na sa kanya ang property ng actor.

Hindi pa umaamin hanggang ngayon sa kanilang tunay na relasyon sina Julia at Gerald, pero sa takbo ng mga reaksyon ng mga taong malalapit sa kanila, mapapansin mong tanggap na rin nila ang relasyon.

May mga nagsasabing kaya hindi nila maamin ay takot pa sila sa maaaring maging epekto noon, dahil iyon ang magpapatunay sa issue ng “ghosting” noon.

Ang isa pang na-spot-an ng netizens noong nakaraang Linggo na magkasama sa isang event ay sina Coco Martin at Julia Montes. Sinasabing hindi pa rin sila umaamin dahil sa takot na ang kanilang relasyon ay magkaroon ng epekto sa popularidad ni Coco. Ganoon pa man, marami silang mga statement na nagpapahiwatig na ng kanilang tunay na relasyon. Minsan may naka-spot pa sa kanila na may suot na “couple shirt” na ang design ay Beatles.

Kaya nga marami ang naniniwala na isang araw ay aaminin din nila ang kanilang relasyon, at marami rin naman ang nagsasabing kung dumating man ang araw na iyon, hindi na sila magugulat.

In the meantime, maugong din naman ang mga tsismis tungkol kina Bea Alonzo at Dominic Roque, pero iba ang reaksyon ng nakararami roon. Bagama’t kung saan-saan na rin sila nakikitang magkasama, mas maraming mga tao ang mukhang hindi naniniwala na may relasyon sila, o baka naman talagang tumatanggi lamang na maniwala ang fans. Mukhang walang kilig ang sinasabing relasyon nina Bea at Dominic.

Young female star na lihim na karelasyon ng aktor, naturuan kung paano hindi mabuntis

Pinagtsitsismisan nila ang isang young female star. Takot daw itong mabuntis at this point in time, pero napakahilig pala ng batang iyan sa sex, kaya siguro alam na ninyo kung ano ang ginagawa nila ng kanyang actor boyfriend na pinakalilihim-lihim.

Madalas daw, dinadalaw man siya ng kanyang boyfriend ay hindi na iyon bumababa sa sasakyan dahil ayaw nga nilang aminin ang relasyon nila. Sumasakay na lang ang female actress sa sasakyan ng kanyang boyfriend para doon na lang sila mag-usap, at doon na rin nagaganap ang kanilang milagro.

Magaling naman daw “magmilagro” ang female star, kaya naman baliw na baliw sa kanya ang kanyang boyfriend. Iyon naman daw ay natutuhan ng female star sa nanay niya, na nagturo sa kanya ng ganoong style para hindi siya mabuntis and at the same time ay habol-habulin siya ng kanyang boyfriend.

vuukle comment

GERALD

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with