^

PSN Showbiz

Pelikula nina Alden at Bea, ayaw pang ipagsabi

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pelikula nina Alden at Bea, ayaw pang ipagsabi
Alden

Maingat ang sagot ng kampo ni Alden Ri­chards­ tungkol sa ginagawang pelikula kasama si Bea Alonzo. Wala silang kinukumpirma tungkol dito.

Kapansin-pansing ilang araw nang hindi napapanood sa Eat Bulaga si Alden at ang sabi lang daw ay meron itong gagawin sa GMA 7.

Meron ding nagsabi sa aming hindi pa raw nakapagsimula ng shooting pero sinasabi sa amin ni Manay Lolit Solis na magsisimula na sila. Co-production daw ito ng Viva Films, GMA Films at APT Entertainment.

Biniro ko nga ito kay Ms. Gigi Santiago-Lara ng GMA Artist Center noong Martes sa virtual mediacon ng bagong show niyang Farm to Table ni Chef JR Royol, natawa na lang siya. Hindi niya talaga ako sinagot tungkol sa pelikulang pagsasamahan nina Alden at Bea.

Mag-focus na lang daw muna sa bagong show na hawak niya - itong Farm to Table na magsisimula na sa February 21 ng 6:15 ng gabi.

Maaaring hindi muna sila allowed na magsalita tungkol sa pelikulang ito dahil wala pa talagang katiyakan kung magiging normal na at matutuloy na ang pagbubukas ng mga sinehan sa susunod na buwan.

Hindi naman maganda kung pang-digital dahil malaking pelikula ito at dapat din namang sa mga sinehan ito mapapanood.

Siyempre, inaabangan kung malalagpasan ba nito o mapantayan man lang ang box-office record ng Hello, Love, Goodbye na hanggang ngayon ay may mga nag-i-spoof pa sa TikTok.

Samantala, isa si Alden sa paparangalan sa nalalapit ng Film Ambassadors’ Night ng Film Development Council of the Philippines.

Ginawaran ang Asia’s Multimedia Star ng Asian Star Prize ng Seoul International Drama Awards ng Asian Star Prize mula sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Ilan pa sa paparangalan ay sina Dingdong Dantes na ginawaran din ng parangal ng Seoul International Drama Awards mula sa drama series niyang Descendants of the Sun, si Arjo Atayde dahil sa pagkapanalo niya sa 3rd Asian Academy Creative Awards, sina Alfred Vargas, Cherie Gil, Angel Aquino at Ronwaldo Martin ng pelikulang Kaputol na ginawaran ng Best Performance Award ng 4th Innuendo International Film Festival sa Milan, Italy at marami pa.

Sa February 28 ang awarding ceremony na gagawin ding online ng FDCP.

Mga sinasangkot sa pagkamatay ni Christine Dacera, kumikita sa TikTok

Ayaw ipasulat sa amin kung sino ang producer na interesadong isapelikula ang kuwento ng buhay ni Christine Dacera, pero may konek daw ito sa military.

Saka na lang daw kapag na-finalize na talaga dahil mahaba-habang proseso ito bago mapagdesisyunang ituloy na ang pagsasapelikula.

Maselan ang kuwentong tatalakayin kaya dadaan daw ito sa mahaba-habang legal procedures.

Kailangang alamin pa raw ang treatment at aaprubahan muna bago isulat ang buong kuwento. Pero mismong ang ina raw ni Christine na si Sharon Dacera ang nagsasabing huwag masyadong talakayin ang kuwento kung paano namatay ang kanyang anak.

Medyo mabagal na nga ang paglabas ng resulta ng imbestigasyon at hindi pa masasabi kung may makakasuhan. Kaya hintayin na lang daw muna, at kung sakaling nabuo na ang production at isasapelikula na ito, saka na nila ibabahagi ang buong detalye.

Maayos daw kausap ang ina ni Christine at naintindihan daw nila kung bakit pursigido itong idaan sa masusing imbestigasyon dahil na rin sa mga nakukuha niyang impormasyon sa nangyaring insidente. Ang tanging hangad lang naman ng lahat ay lumabas ang buong katotohahan at walang poproteksyunan.

Samantala, nasisilip ko naman sa TikTok ang ilang sangkot sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera. Ang sipag nilang mag-TikTok na magkaibigan. Itong si Rommel Galido na pinaka-close daw kay Christine ay todo ang pag-indak sa TikTok with matching pabukol pa na malamang pinaglalawayan na rin ng ilang kabadingan.

Si Valentine Rosales naman ay nakita ko ring nag-live sa TikTok at nakikipag-communicate sa ilang kaibigan at mga sumusuporta sa kanya.

Ang daming nagbibigay ng tulong sa kanya na ang iba ay mula pa sa ibang bansa na willing magbigay ng financial support na ipinapadala sa kanyang GCash account.

Thankful naman siya sa mga tumutulong dahil sa nawalan na nga siya ng trabaho at itinakwil pa ng sariling ama. May isang mayamang kaibigan nga akong gusto siyang kunin at bigyan ng trabaho dahil naawa na sa kanya.

LOL, may bagong segment

Sa kabila ng mga tsismis na matsutsugi na rin daw ang Lunch Out Loud, lalo naman itong kinagigiliwan at lalong dumarami ang commercial ads at sponsors.

Maganda ang feedback sa bagong segment nilang HOPE na ibig sabihin nito ay Hindi, Oo, Puwede, Ewan. Ngayong buwan lang ito sinimulan na kung saan, pinag-aayos nila ang mga nag-away, nagkatampuhan o nagkahiwalay na magkarelasyon.

May ilan na rin silang napagkasundo, pero nakakatuwa ang segment na mapapanood ngayong araw na kung saan ipinagtagpo roon ang mag-ex na matagal na rin daw silang walang komunikasyon.

vuukle comment

ALDEN RI­CHARDS

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with