^

PSN Showbiz

Claudine, mahal pa rin si Rico Yan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Claudine, mahal pa rin si Rico Yan
Claudine
STAR/ File

Naibahagi ni Claudine Barretto sa YouTube channel ng kaibigang si Janelle Jamer na hanggang ngayon ay apektado pa rin siya sa pagkamatay ni Rico Yan.

Matatandaang namatay ang aktor na dating kasintahan ni Claudine noong 2002 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis. “Mahal ko pa rin siya. Hindi nawawala ‘yon. I think hindi nawawala ‘yung love kapag namatay na ‘yung tao. Kahit hindi na kami, nandoon pa rin,” pagtatapat ni Claudine.

Para sa aktres ay mas tumitindi ang pagmamahal niya sa namayapang aktor habang lumilipas ang mga taon. Aminado rin si Claudine na nakararamdam siya ng pagsisisi dahil sa pagkawala ni Rico sa kanyang buhay. “Lalo pa yatang lumalabas kung ano ang nararamdaman mo towards the person kapag nawala na ‘yung tao. Yes, mayroon akong pagsisisi na sana mas matagal ko siyang nakasama. Sana nandun ako no’ng nangyari ‘yung dapat sana ay hindi nangyari,” makahulugang pahayag ng aktres.

Matagal-tagal nang hiwalay si Claudine at Raymart Santiago at ngayon ay nakahanda na umanong pumasok muli sa isang relasyon ang aktres. “Matagal na, oo naman kaya lang wala pa lang talagang dumara­ting. So hindi ko rin kinukulit si God. Kapag dumating eh dara­ting,” pagtatapos niya.

Loisa, tuloy sa pagpo-post ng sexy

Kamakailan ay nabiktima sina Maris Racal at Sue Ramirez ng pambabastos ng ilang netizens sa social media. Mayroon kasing nag-edit ng mga larawan ng dalawa na naka-swimsuit at ginawa itong malisyoso. Para sa kaibigan nina Maris at Sue na si Loisa Andalio ay tama lamang na umalma ang dalawa at huwag palampasin ang pangyayaring ito. “Iba rin kasi mga trip ng tao ngayon eh. Nasa sa ‘yo na lang talaga kung papatulan mo. Okay din ‘yung pinagsabihan nila kasi hindi naman talaga tamang gawing biro ‘yung katawan ng babae,” pahayag ni Loisa.

Si Loisa ay madalas ding mag-post sa Instagram ng mga larawang seksi. Ayon sa dalaga ay wala naman daw masama sa pagpapakita sa social media ng sexy photos niya. “Wala namang masama sa pagpo-post ng sexy kung wala ka rin namang masamang intension. Kung talagang gusto mo lang ‘yung damit mo or gano’n ka ka-confident or proud sa katawan mo. Nasa ibang tao na talaga ‘yon kung pa’no nila iti-take. Kung babastusin nila or maa-appreciate nila. Kung maa-appreciate nila, thank you. Pero kung may nambabastos, God bless na lang kumbaga. Ipasa-Diyos mo na lang ‘yung taong gano’n,” paliwanag ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

RICO YAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with