^

PSN Showbiz

Male singer na namali ang galaw, matindi ang pinagdaanan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dumaan pala sa matinding depresyon ang male singer na dineklarang kampeon sa isang singing contest. Maligalig ang kanyang buhay. Nawalan siya ng tiwala sa kanyang talento.

Literal na naunsyami ang isang napakaganda sanang oportunidad na nag-aabang sa kanya, dapat ay isa siya sa mga bumabandera sa isang musical variety show, pero bumalaho ang kanyang singing career.

Kuwento ng isang source na may malalim na alam sa istorya, “Nakakaawa talaga siya dahil nakabuslo na para sa kanya ang sobrang gandang opportunities. Napakagaling niyang singer, magtsa-champion ba naman siya kung hindi?

“Pero one false move lang ang na­ging reason ng pagkabigo niya,” unang komento ng aming impormante tungkol sa male singer.

Sumabit ang male singer sa isang kontrobersiya. Napagbintangan siya sa isang kasalanan na ayon sa kanyang kampo ay imposibleng mangyari dahil kilalang-kilala ng mga ito ang kanyang pagkatao.

Balik-chika ng aming source, “Totoo man o hindi ang bintang sa kanya, e, sobrang nakaapekto na ‘yun sa singing career niya.

“Imagine, ilang concert niya sa ibang bansa ang nakansela, hindi na siya isinama, dahil nga sa image na kinahinatnan niya. Nagbago ng isip ang mga producers na isama siya sa show.

“Nalinis niya naman ang name niya, pero ma­tindi na ang naging epekto sa kanya ng nangyari,” napapailing na kuwento ng aming source.

Inatake nang sobrang depresyon ang male singer. Lumipad ang tiwala niya sa kanyang sarili. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino.

“Sayang na sayang talaga ang singing career niya. puwede siyang ilaban nang sabayan sa kahit singong singer d’yan, biritero siya at humble pa.

“Kinulang lang siya sa pag-iingat. Nakalimutan siguro niya na kilala na siya dahil sa pagiging champion sa singing contest na deserve na deserve niya naman.

“Dahil bagito pa lang siya nu’n, e, wala pa siyang masyadong alam. Malayo sa isip niya na sa isang pagkakamali lang, e, puwede nang lumipad ang mga pangarap niya.

“Buti nga at lumalabas-labas na siya ngayon, unti-unti na siyang nakababangon. Ganu’n pa rin ang boses niya, napakaganda pa rin, kaya sana nga, e, magtiwala na uli siya sa sarili niya,” madiing hiling ng aming impormante sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Kapalaran ni Super Tekla, biglang tumaas

Biglang umikot nang pabaligtad ang gulong ng buhay para sa mahusay na komedyanteng si Super Tekla. Parang kailan lang ‘yun nang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang ina ng kanyang anak at niyurak-yurakan siya bilang tao.

Hinusgahan siya ng publiko, nakakuha agad ng simpatya si Michelle sa paninira nito sa pagkatao ng komedyante, hanggang sa bandang huli ay si Raffy Tulfo mismo ang bumitiw sa pagtulong sa babaeng pabagu-bago ang takbo ng utak.

‘Yun ang panahong puro iyak lang ang naging panlaban ni Super Tekla. Hindi siya nagsalita. Pinabayaan lang niyang magsalita nang magsalita ang ina ng kanyang bunsong si Angelo.

Isang matinding bangungot ‘yun sa buhay at karera ni Super Tekla na kapag naaalala niya ay nagpapatayo pa rin ng kanyang mga balahibo.

Pero sabi nga, kailangan munang umulan bago natin makita ang bahaghari, at naganap ‘yun kay Super Tekla. May mga senaryong akala nati’y katapusan na natin pero ‘yun pa lang pala ang pagsisimula ng maganda nating kapalaran.

Nang magsalita na siya ay milyon ang sumubaybay sa YouTube nila ng kanyang bestfriend na si Donita Nose. Milyon din ang kanilang kinita at hanggang ngayo’y namimiruya pa rin sila ng kinikita sa kanilang YouTube.

Du’n nagkaisip si Super Tekla na bumili na ng kanyang bahay. Ang kinikita niya sa YouTube ang una niyang ipinambayad, magandang impluwensiya sa kanya si Donita Nose, may maayos na pinupuntahan ang kanyang kinikita ngayong pandemya.

Mabuti naman at maagang nauntog ang ulo ng komedyante para sa kanyang kinabukasan. Wala na siyang bisyo ngayon, nagbago na siya hindi ng kanyang pagkukunan, kundi ng buo niyang pagkatao.

“Minsan lang dumating ang ganitong suwerte, hindi ko na ito sasayangin. Kailangan ko nang paghandaan ang future ko at ng mga anak ko,” sabi ni Super Tekla.

Si Willie Revillame ang nagbukas ng pintuan ng showbiz para kay Super Tekla. Nagsimula siya sa pagiging kalahok lang sa Wowowin pero kinakitaan siya ng talento ni Willie kaya ginawa siyang co-host sa game show.

vuukle comment

SUPER TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with