^

PSN Showbiz

Jane, crush na crush si Paulo

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jane, crush na crush si Paulo
Jane

Outright ang pag-amin ni Jane de Leon na crush niya si Paulo Avelino at gusto niya itong makatrabaho.

Nagagalingan daw siya sa aktor, bukod pa sa guwapo nga.

Actually, ang tanong sa kanya ay kung sino ang gusto niyang maka-loveteam pero si Paulo ang binanggit niyang gusto niyang makatrabaho. “Siguro naman alam niya na crush ko siya. Hindi ko naman po siya nagustuhan, given na po na guwapo si Paulo. Pero talagang pagdating po sa acting, sobrang galing po talaga niya ‘yun po ‘yung isang sa rason kaya gusto ko siyang makaeksena,” chika niya kahapon sa virtual media conference para sa pagpasok niya sa Ang Probinsyano.

Samanta, ayaw mag-focus ni Jane sa mga taong nagnenega sa kanya lalo na nga at hindi basta-bastang mga project na ginagawa niya.

Ang ganda ng timing ng pasok niya sa Ang Probinsyano na sinasabing preparation ito sa paglipad niya bilang Darna sa teleserye. “Nakaka-pressure po kasi parang everyone is expecting too much from me. May mga taong ayaw sa akin, may mga taong hindi pa ako tanggap at hindi pa ako kilala. Pero ok lang naman po ‘yun sa akin. Mas kailangan ko pong mag-focus kasi hindi ko naman kayang i-please ang sarili ko sa kanila. Ang importante may mga taong nagmamahal sa akin at naniniwala sa akin, nagtitiwala sa akin, sumusuporta sa akin. So instead na to those negativity, sa mga positive po tayo para lahat ng energy na naa-absorb natin, maganda ang kalalabasan,” sagot ni Jane.

Saka hindi raw siya ma-social media, kaya siguro hindi siya masyadong apektado.

Sa patuloy na pagluluksa ni Cardo (Coco Martin) sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang asawa na si Alyana (Yassi Pressman), nakatakdang magdala ng sunud-sunod na pagbabago sa buhay niya si Pol. Capt. Lia (Jane) sa mga umiinit na tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagpasalamat naman si Jane sa suporta ng viewers para sa bago niyang karakter bilang sniper at isa sa mga lider ng grupong Black Ops, na ayon sa kanya ay malayo pa ang lalakbayin sa serye.

“Sobrang nagustuhan ko ang role kasi may pagkabrusko si Lia, sobrang approve talaga sa akin. Ang inaabangan ko talaga dito ang makaeksena si Coco. Maraming aabangan sa amin. Ano ang magiging parte ko, magiging kontrabida o kakampi ba ako ni Cardo Dalisay?” patikim pa ni Jane sa media confe­rence na umamin ding hindi niya alam na kilala pala si Coco bilang CM sa set ng nasabing serye.

Bilang baguhan naman sa Probinsyano, itinuro namang dahilan ni Jane ang pamumuno ni Coco bilang creative director ng serye at ang pagsasama ng lahat mula production staff hanggang mga artista kung bakit ito matibay.

Na-mention din ni Jane na dream come true ang pagpasok niya sa long running teleserye dahil noon ‘pag nanonood daw siya, iniisip niya kung anong role ang bagay sa kanya.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, hindi pa rin titigil ang Black Ops sa pagtugis kay Cardo habang patuloy na inaalam ni Lia ang nakaraan ni Cardo para makilala ang totoong pagkatao nito.

Kaya marami pa talagang aksyon ang sasabakan nito na pinagbibintangang dahilan ng pagkawala ni Yassi Pressman sa serye.

 

 

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with