^

PSN Showbiz

‘Di kaguwapuhang personalidad na medyo sikat na, kinaiinggitan, inaaway-away

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May mga kuwentong lumulutang ngayon tungkol sa isang hindi kaguwapuhang male personality pero sinuwerte sa kanyang career.

Matagal na panahon din ang ipinagsakripis­yo ng lalaking personalidad bago siya nginitian ng kapalaran. Nagsimula siya sa ibabang-baba kung tutuusin, salamat na lang at nagkaroon siya ng proyektong tumabo sa takilya, kaya gumanda ang estado ng kanyang buhay.

Kuwento ng aming source, “Ganu’n nga yata talaga ang buhay. Kapag may nagiging successful, oo nga’t may mga natutuwa para sa kanya, e, meron ding naiinggit.

“Wala naman siyang ginagawang masama, pero may mga nagagalit sa kanya, hindi ba’t inggit lang ang dahilan nu’n?” nagtatanong na simula ng aming impormante.

Mula nang gumanda-ganda na ang takbo ng karera ng male personality ay una niyang inasikaso ang kanyang pamilya. Lumaki siya sa kahirapan, kaya natural lang na ang uunahin niya ay ang kanyang sariling pamilya, ‘yun ang ginawa ng male personality.

Balik-kuwento ng aming source, “Maraming nainggit sa kanya, hindi na lang sila maging masaya sa pagbabago ng buhay ng kababayan nila.

“Kesyo yumabang na raw siya, naging suplado na, maramot din daw ang male personality. Teka lang naman muna! Kayabangan na ba ang pagpapagawa ng bahay para sa family niya?

“Pagsusuplado na rin ba ang hindi niya masyadong pagiging visible dahil busy nga siya sa trabaho niya? At naging maramot na rin daw siya, sabi pa ng mga naghahanap ng mali sa male personality.

“Naku naman! Ngayon nga lang guma­ganda ang buhay at career niya, ipagpapamigayan ba naman niya ang biyayang meron siya ngayon? Natural, iniingatan niya ang suwerteng dumating sa kanya!

“Mahirap na nga naman, baka hindi na maulit ang malaking suwerteng dumating sa kanya, kaya dapat niyang pag-ingatan ang kinikita niya ngayon.

“Mabait ang male persona­lity, marunong siyang makisama, saka down-to-earth siya.

“Walang production na nagkaroon ng problema sa kanya, mahal siya ng mga katrabaho niya, kitang-kita naman ‘yun! Sana, makita rin ‘yun ng mga taong naiinggit sa kanya!” pagbibigay pa ng clue ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

kris mala-tom cruise ang peg

Bigla naming naalala si Ali Sotto nang ipahayag ni Kris Aquino na sa probinsiya na sila maninirahan muna ng kanyang bunsong si Bimby.

Matagal nang naghahanap ng bahay na mabibili-mauupahan si Kris na malapit lang sa dagat. Beachfront house ang hinahanap niya.

Makagaganda kasi ‘yun sa kanyang kundisyon, ang autoimmune disease niya, lalo na ngayong pandemya. Kailangan niya talagang lumayo sa mapolusyong lungsod.

Si Bimby lang ang makakasama niya dahil niyakap na ng kanyang panganay na si Joshua ang buhay sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

Ang dating pangulong Noynoy ang kasama du’n ni Josh, sila na talaga ang sanggang-dikit, sila ang palaging magkalaro sa computer games. Dadalaw-dalawin na lang ito ni Kris.

Ganu’n ang buhay na gusto ng mga artista, napakasarap nga namang mabuhay na walang mga matang nakasunod sa kanila, meron man dahil hindi maiiwasan ay kanilang-kanila pa rin ang kapaligiran.

Maraming naiinggit sa buhay ni Andi Eigenmann na mas piniling mamuhay sa Siargao, ito ang namamalengke, naglilinis at nag-aalaga ng kanyang mga anak.

Hindi naman natin maaasahang mamamalengke rin si Kris, siyempre’y bitbit din nila ni Bimby ang kanilang mga kasambahay sa probinsiya, pahinga lang talaga ang hanap ni Kris.

Siguradong magpapakasarap sila sa paliligo sa dagat, napakahilig sa tubig ng kanyang mga anak, at mapapadalas na ang pagpo-post ni Kris sa IG niya dahil meron siyang sobra-sobrang panahon sa paninirahan pansamantala sa probinsiya.

Ganu’n ang peg ni Tom Cruise. Meron itong mansiyon sa lungsod pero mas gusto nitong manirahan sa bundok, du’n lang daw nito natitikman ang tunay na buhay, dahil kanyang-kanya lang ang mundo.

Mainspirasyon ang pamumuhay ng sikat na Hollywood actor sa kabundukan. Walang TV, walang kahit ano, pati ang kanyang pagluluto ay sa pamamagitan ng mga bato at kahoy.

“This is life. There’s nothing compared to communing with nature,” masayang paglalarawan pa ng sikat na Hollywood actor habang hawak ang isang buong manok na iniluto nito sa loob ng isang timba.

 

vuukle comment

CAREER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with