^

PSN Showbiz

KC ‘di ginamit ang impluwensiya, nag-sorry at nagbayad ng multa sa pakiki-party

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

“Nakalimot lang ako ng mga limang minuto, 99% ng lahat ng oras sumusunod naman ako dahil alam kong kailangan, at iyon lang ang magagawa natin para makatulong sa pag-iingat na ginagawa,” sabi ni KC Concepcion. Pero dahil sa pagpunta niya sa isang gathering sa bagyo, pinagmulta siya ng isang libong piso sa paglabag sa City Ordinance 45-2020, o hindi pagsusuot ng face mask, at 500 piso pa sa paglabag sa city ordinance 46-2020 o paglabag sa itinakdang social distancing.

Ang ebidensiya, nakipag-picture taking si KC kasama ang mayor ng Baguio City na si Mayor Benjie Magalong na hindi naman nag-alis ng mask, kasama ang asawa nitong si Arlene Magalong na nag-alis din ng mask at si KC nga na nag-alis ng mask dahil nagpakuha lang ng picture. Eh ano nga naman ang silbi ng picture na iyon kung lahat sila nakasuot ng face mask. Nagpa-picture ka pa, hindi naman makikita ang mukha mo. Maski ang asawa ng mayor nagmulta rin dahil doon, at si Mayor Magalong, nag-resign bilang contact tra­cing czar dahil sa nangyari.

Sinasabi ni KC na ngayon natuto siya ng leksiyon na basta siya ay nasa isang public place, hindi niya dapat alisin ang kanyang face mask, ano man ang dahilan.

Ang nakatawag sa aming pansin ay iyong humility sa parte ni KC. Baka kung iba iyan nagtatalak pa at sinabing kasama ko sa picture iyong mayor at asawa nito. Maaari rin siyang magtatalak at sabihing artista ako at model ako.

Baka kung kagaya lang iyan ng ibang mayabang, nagsabi pang sikat ang mga magulang ko.

Pero wala tayong narinig na ganyan mula kay KC. Nagbayad siya ng multa at inaming nagkamali rin siya.

Bagamat iyan ay naging issue lang dahil si KC ‘yan. Maglakad ka diyan sa Quiapo, ang daming tao sa kalye na wala namang face mask, wala ring face shield, at makikita mo magsusuot lang basta may narinig na sirena, na ibig sabihin may pulis o barangay na paparating.

Sa mga kalye, makikita mo iyong mga bata, wala ring face mask pero nag­lalaro pa sa kalye ganoong bawal silang lumabas.

Hindi talaga pantay-pantay ang pagpapatupad ng batas. Ang katuwiran nila hindi naman nila kayang bantayan ang lahat ng mga tao.

At saka hindi mo rin masisi. Buryong na ang mga tao sa napakahabang lockdown, isang taon na silang nakakulong sa bahay. Isang taon na silang parang mga bandidong laging may takip sa mukha sukdulang hirap na silang huminga.

Tama, ipatupad ang batas, pero sana ipatupad nang makatao at may katuwiran.

Maraming bata bugnot na, paolo pinagawan ng playground ang anak

Nagpagawa ng sariling playground si Paolo Contis para sa kanilang anak ni LJ Reyes na si Summer. Alam naman kasi ni Paolo, hindi mo puwedeng basta kulungin ang bata, kailangan niyan maglaro dahil kung hindi magiging bugnutin iyan.

Masuwerte si Summer, dahil may mga magulang siyang may kakayahang ipagpagawa siya ng sariling playground. Maraming mga bata na bugnot na pero nananatiling nakakulong sa loob ng bahay.

Iyong ibang mga bata, kahit na ipinapasyal lang ng mga magulang sa park sa loob ng kanilang condominium unit, kagaya ng nangyari noon sa BGC, hinuhuli ng pulis.

Iyong nagdilig lang ng halaman sa loob  ng isang private subdivision, hinuli rin ng pulis.

Iyan ang sinasabi naming ang pagpapatupad ng batas ay dapat na makatarungan at makatao.

Direk, naunahan ng negosyanteng bading sa model

Ibang klase talaga si direk. Panay daw ang tambay noon sa isang watering hole dahil naka-istambay doon ang isang male model na “kursunada niya”. Ang hindi alam ni direk, ang male model na kursunada niya ay syota pala ng bading ding may-ari ng watering hole. Eh nahalatang lumalandi si direk, tinarayan siya ng may-ari ng watering hole. Tulalang nagbayad na lang at umalis si direk.

Mayroon pa ngang isang delikado roon, doon pa umuupo si direk sa isang mesa na nasa labas para raw mahangin. Eh umiinom siya. Kung madaanan siya ng pulis na walang face mask, at umiinom siya roon, baka hulihin din siya mas nakakahiya pa.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with