Happy Hour Favorites ng GMA News TV nag-umpisa na
MANILA, Philippines — Nag-umpisa na kahapon, Lunes, 5:45 p.m., ng mas maagang oras ang ilan sa paboritong GMA News TV programs sa pamamagitan ng Happy Hour Favorites.
Maganda ang pasok ng Lunes sa nakaka-good vibes na Good News kasama si Vicky Morales.
Maeengganyo pa lalo ang mga manonood na tikman ang pagkaing Pinoy sa Pinas Sirap hosted by Kara David pagdating ng Martes.
Tuwing Miyerkules, ibabahagi ni Susan Enriquez ang ilang tips para makatipid at magkaroon ng new business ideas sa Pera Paraan.
Maging ‘in’ naman sa latest trends at bagong usap-usapan kasama ang Global Endorser na si Gabbi Garcia sa IRL tuwing Huwebes.
At samahan si Drew Arellano to travel in the new normal sa Biyahe ni Drew pagdating ng Biyernes.
Kapag 5:45 p.m. na, ‘happy hour’ na nga kasama ang ating mga paboritong programa, Lunes hanggang Biyernes sa GMA News TV.
- Latest