Concert ni Regine minurahan lang ang ticket
Out na beginning today ang ticket para sa Valentine concert ni Regine Velasquez. This year nga lang, digital.
Tradition na for Regine ang Valentine concert. Pero dahil pandemic, mura lang daw ang ticket sa kanyang Freedom concert. “Hmmm mga bakla ito na naman ang lola nyo na pa may cansern sa February 14. Alam kong mahirap ang buhay ngayon kaya naman sobrang muratik lang ang patikech!!!!!! Nako may pa after party pa at parequest portion pa!!!!! Para sa mga nabitin sa 10 hour show kaloka!!! !!!! Please join me celebrate Valentine’s Day It’s a date ces #KTX #budoltimeagain,” post niya kahapon.
May P2,500 na limited slots lang, at for concert lang naman P1,200 ticket.
In all fairness, may stage director ang concert, si Paolo Valenciano and musical director si Raul Mitra.
- Latest