^

PSN Showbiz

Elisse naiyak sa ginawa ni McCoy sa kanyang birthday

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Elisse naiyak sa ginawa ni McCoy sa kanyang birthday
McCoy

Speaking of Elisse, iyak naman siya nang iyak sa birthday greetings ni McCoy de Leon - na obviously ay nakabalikan niya - at ilan niyang mga kaibigan.

Pero tears of joy daw ‘yun dahil best gift ever ang natanggap niya kahapon. Kasalukuyang nasa Amerika si Elisse kasama ang kanyang family.

Hindi pa niya actually alam kung kailan siya babalik ng Pilipinas dahil pa rin sa pandemic at bina-balance pa raw nila ang trabaho na nabanggit niya sa mediacon ng Horrorscope na isa rin siya sa mga bida.

“A happy birthday. I wasn’t gonna post this but it really made my day. A meaningful birthday gift from miles away. (Iyakin talaga ako pero tears of joy). Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na naging parte ng video na to. It really means a lot seeing your greetings. Mahal ko kayo. @patchbungubung @_djchacha @cielo_0227 @hashtag_nikko @michellevito @its_enzopineda @sueannadoodles @javibenitezzz @joygarseeyaa @jhingchavez @alexailacad @iamsofiaandres @vinccideguzman @kamjoson @triciasanti @imjanedeleon (saw ur vid too pero hindi lang umabot sa edit nya so sinend separately)

“..and ofcourse to u, @mccoydeleon

Thank you for singing to me, for getting my friends’ messages together, and for making me the happiest today,” ang birthday post niya kahapon.

Kahit si McCoy ay naiyak din nang makitang umiiyak si Elisse. “Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung ano lang talaga ‘yung nasa loob ng puso ko ang sasabihin ko. Marami kaming nagmamahal sa iyo. Ngayong birthday mo, gusto ko happy ka. Gusto ko lahat ng best para sa iyo. I love you so much, I love you. I love you,” ang birthday message ng actor na dati niyang ka-loveteam na ngayon ay Viva na ang nagha-handle ng career.

vuukle comment

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with