^

PSN Showbiz

Amazing ang Pasko ni Bong, binantayan ng fans na nangangailangan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Amazing ang Pasko ni Bong, binantayan ng fans na nangangailangan
Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.
STAR/ File

Malaking tagumpay ang Amazing Ang Pasko Christmas Giveaway ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na tinutukan ng maraming netizens matapos mamahagi ng napakaraming premyo at pangkabuhayan upang makatulong sa gitna ng pandemya.

Matatandaang nanamahagi rin si Sen. Bong ng libu-libong gadget sa napakaraming mag-aaral dahil sa pagbubukas ng klase sa ilalim ng online learning na ipinatupad ng Department of Education (DepEd).

Kasama rin ang mga guro sa nabiyayaan ng laptop at cellphone na pangunahing pangangailangan ng mga guro sa kanilang pagtuturo sa kasalukuyan.

Since then ay hindi na siya tumigil sa pamamahagi sa marami nating kababayan partikular na sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pananalasa ng COVID-19.

At dahil Pasko, dinagdagan pa niya ng Noche Buena package at Kap’s Pangkabuhayan package upang makapagsimula ng kahit maliit na negosyo ang mapalad na napili.

Ang Amazing Ang Pasko Christmas Giveaway na isinagawa noong nakaraang Sabado at Linggo ng gabi na tumagal ng halos apat na oras, kada araw ay tinutukan ng napakarami as in umabot sa almost two million ang people reach sa dalawang araw na ‘yun.

Tumataginting na P.2 milyon ang nakalaang jackpot sa napakasimpleng palaro at marami ang nanalo ng P100,000 na napansin ng mga nanonood na halos ipamigay na niya ang premyo dahil sa napakaraming umiiyak na kalahok.

Maging ang roleta ng papremyo ay parang sinadyang pigilin ni Bong dahil sa matinding pangangailangan ng tumawag na kalahok na nakaratay sa karamdaman ang kaanak kaya bukod sa premyong P50,000, P40,000 at P30,000 ay sinasagot pa nito ang pagpapagamot ng maysakit na kaanak.

Bahagi rin umano ito ng pasasalamat niya para sa una niyang teleserye na Agimat Ng Agila na malapit nang ipalabas sa GMA 7 simula nang siya ay muling mahalal na Senador.

Nakasama niya sa Amazing... na live na napanood sa Facebook at Youtube sina Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla, Cavite Vice-Governor Jolo Revilla, Moymoy Palaboy at Benjie Paras.

So itutuluy-tuloy na kaya ito ni Sen. Bong?

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with