^

PSN Showbiz

Celebrity players, bawal mag-ingay sa walang tunugan

Pilipino Star Ngayon
Celebrity players, bawal mag-ingay sa walang tunugan
Kim
STAR/ File

Iba’t ibang nakakatuwang challenges na susubok sa katahimikan ng Kapamilya stars ang napapanood sa  It’s Showtime sa pinakabago nitong segment na Walang Tunugan, ang kauna-unahang laro sa TV na walang ingay.

Simple lang ang patakaran ng laro: kung sino ang mas tahimik na makakagawa ng challenge ang makakuha ng puntos at aabante sa jackpot round. Ang ingay namang nagawa ng celebrity players ay susukatin sa pamagitan ng decibel meter o ang instrumentong sumusukat sa lakas ng isang tunog.

Nagharap sina Vhong Navarro at Kim Chiu sa unang pasabog ng Walang Tunugan last week.

Para sa unang challenge, naglaban ang dalawang hosts sa pagbubukas ng isang can ng softdrinks nang hindi lumalagpas sa 65 decibels ang malilikhang ingay.

Matapos manalo ni Kim sa hamon, sumuong na siya sa jackpot round kung saan kinailangan niyang suotin ang isang jacket na puno ng pako at lumusot sa isang balloon tunnel nang walang napuputok na lobo o katumbas ng ganap na katahimikan.

Kapag matagumpay na naisagawa ang hamon sa jackpot round, mananalo ng P5,000 na premyo ang isang swerteng online viewer na tama ang hula ng mananalong celebrity player sa unang round. Para makasali ang netizens, kailangan lamang nilang i-tweet o i-comment sa Facebook ang pa­ngalan ng hula nilang celebrity player kasama ang official hashtag of the day ng programa.

Dahil hindi napagtagumpayan ni Kim ang unang hamon, madadagdagan ng P5,000 ang kaban ng premyong makukuha sa susunod na episode.

Tanggapin ang hamon ng katahimikan at manood ng Walang Tunugan sa It’s Showtime tuwing tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV.

vuukle comment

KIM CHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with