^

PSN Showbiz

Napakaseksing aktres, dinig hanggang labas ng CR ang sagitsit ng ihi

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kailangang nag-iingat ang mga kilalang personalidad sa kahit anong ginagawa nila. Minamarkahan kasi ‘yun ng publiko, naaalala, hanggang sa magpalipat-lipat na ang kuwento sa maraming bibig.

Lalaki o babaeng personalidad ay kailangang nag-iingat, kahit ang mga beki at tibong pigura ay ganu’n din dapat ang ginagawa, para makaiwas sila sa mga tsismis.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsan, e, may naka-dinner ang isang kilalang female personality sa isang five-star hotel. Nakakuha siyempre siya ng attention, madalas kasi siyang napapanood sa TV.

“Hindi siya artista, pero nagpapakaartista ang da­ting niya, nag-iinterbyu siya ng mga personalities para sa segment niya sa isang program,” unang pasakalye ng aming impormante tungkol sa pagkakakilanlan sa female personality.

Natural, kuwentuhan nang kuwentuhan ang grupo, inabot sila du’n nang mahabang oras. Nakaramdam ng tawag ng kalikasan ang female personality, nag-excuse siya sa kanyang mga kasamahan, nag-CR siya.

“Maraming girls sa CR, mga esekolang nagdi-dinner din du’n, may mga nakakilala sa kanya. Agad na pumasok ang female personality sa isang cubicle.

“Maya-maya, biglang pumusitsit ang pagkalakas-lakas na jingle ng girl. Grabe sa lakas, parang may pinagagalitang bata ang girl sa lakas ng pagpaswit ng jingle niya!

“Nagkatinginan ang mga nasa CR, parang tatlong araw kasing hindi umihi ang girl sa lakas ng pagdyinggel niya! Dinig na dinig sa loob ng CR ang sumisingasing niyang pag-ihi na matagal, talagang pinagpistahan siya nang palihim ng mga nandu’n!

“Naloka sila, imagine nga naman, napapanood nila sa TV ang girl na napaka-sexy pa naman ng dating, namumurok ang dibdib, pero kung umihi naman pala, e, sobrang lakas!

“Ngayon, kapag nakikita nila sa TV ang girl, e, isa lang ang reaction ng mga nakarinig sa kanya, tinatawag siyang Jingle Queen!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Pahabol pa ng impormante, “May kapangalan siyang very controversial actress, sa totoo lang!”

Ubos!

Pulis na pumatay ng mag-ina, sinusumpa ng bayan

Sukdulan ang namamayaning galit ngayon ng buong bayan sa demonyong pulis na parang mga manok lang na pinatay nang harap-harapan ang mag-inang Sonya at Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Kahit ang mga kilalang personalidad ay nabulabog sa kanyang kademonyohan, sobrang pakikidalamhati ang ipinaabot nila sa pinaslang na mag-ina, habang pinakakain nang masasakit na salita ang buhong na pulis.

Ilang ulit naming napanood ang video ng pagpaslang, napakahayup talaga ng pulis na ‘yun na pinatay ang mag-ina sa harapan mismo ng kanyang menor de edad na anak na babae, maaaring marahas ang mga komentong dapat ding barilin ang pulis sa harap mismo ng kanyang misis at anak pero ganu’n talaga ang maiisip ng kahit sinong makakasaksi sa video.

Nakapaninindig ng balahibo ang ginawang pagpaslang ni Sarhento Jonel Nuezca sa mag-ina. Nakabulagta na ay binaril niya pa rin si Aling Sonya at ang anak nito.

Dahil sa kanyang kademonyohan ay nada­damay tuloy ngayon pati ang kanyang mga kahanay na hindi naman mamamatay-tao. Nilalahat ngayon ang mga kapulisan na hindi naman nararapat dahil ang ginawa ng demon­yong si Nuezca ay hindi naman dapat ibunton sa lahat ng mga miyembro ng PNP.

Nakababasag ng puso ang panayam ni Raffy Tulfo kay Neil, anak ni Aling Sonya, walang patid ang paghagulgol nito sa sinapit ng kanyang ina at kapatid.

“Nakabulagta na po ang nanay at ading ko, pero binaril pa rin niya, hustisya po para sa kanila ang hiling namin,” pahayag ng humahagulgol na si Neil Gregorio.

Haaay, dalawang tulog at gising ay Pasko na, may pandemya pa pero humabol pa ang sukdulang kademonyohan ng pulis na ito na iniiyakan ng buong bayan ngayon.

Isang ina ang nilagas ang buhay nang walang kalaban-laban. Isang ama ang hinahagulgulan ngayon ng kanyang misis habang kalung-kalong ang mag-iisang taon pa lang nilang anak.

Matinding pagluluksa na kagagawan ng isang demon­yong pulis na nanghiram ng tapang sa kanyang armas. Uri ng alagad ng batas na hindi dapat pamarisan ng mga nangangarap na maging pulis.

Isang mamamatay-taong pulis na dapat lang mabulok sa kulungan na kung tutuusi’y kulang na kulang pang parusa sa ginawa niyang kademonyohan.

Nakapag-aalala ang kinabukasan ng kanyang anak na babae. Ang pagpaslang ng pulis sa mag-ina ay naganap sa mismong tungki ng ilong ng bata.

Hindi dapat i-bash ang bata sa pakikisali sa gulo, hindi magandang tingnan ang kanyang ginawa, pero ang kanyang ama lang ang demonyo.

Dapat gabayan ang batang ito dahil nakakaalarma ang kaganapan. Ang ginagawa pa naman ng matanda ay ginagaya ng bata.

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with