^

PSN Showbiz

Angel may panawagan para mapigilan ang climate disasters, kontra sa normal na ang baha

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angel may panawagan para mapigilan ang climate disasters, kontra sa normal na ang baha
Angel

Kinontra ni Angel Locsin ang opinion na normal na ang baha sa bansa kahit hindi super typhoon ang dumarating.

May sinagot siyang isang Twitter user na kayang-kaya naman ng local politicians ang mga ganyang baha. “I think we should listen to environmental experts on how we can prevent climate disasters from happening in the future, to avoid the unnecessary loss of lives & da­mage to properties :) We should learn from expe­rience & not accept the reasoning na “Normal na ang baha sa bansa” :)”

Binaha na naman kasi ang mara­ming probinsiya sa Visayas and Mindanao samantalang Tropical Depression lang ito na pinangalanang Vicky.

Marami pang ibang probinsyang hindi nakakabangon sa grabeng pagbaha sa bagyong Rolly noong nakaraang buwan.

May kilala akong veteran actor, na up to now, naglilinis pa rin ng bahay nilang binaha sa Provident Subdivision in Marikina.

Literal na nilubog ng  baha ang Marikina at kasama nga ang bahay ni veteran actor.

Almost a year na rin siyang walang work kaya worried na si veteran actor.

Hoping siya na magbibigay ng assistance ang ibang nakatrabaho niya para man lang makatulong sa kanya. Kabilang sa vulnerable sector si veteran actor kaya matumal o totally walang offer sa kanyang trabaho sa kasalukuyan.

Sana nga ay maalala siya ng iba niyang nakasama sa trabaho para naman sumaya ang kanyang Pasko.

Anyway, immune na ang maraming Pinoy sa bagyo kaya siguro akala ng karamihan normal na lang ito.

Pero tama si Angel, panahon na para tantanan na ang mining na diumano’y mga maiingay na pulitiko pa ang nag-o-operate na kumakalbo sa ating mga kagubatan kaya mabilis at madalas ang pagbaha.

Tom Cruise dyowa na ang leading lady

Uy dating pala ang status ni Tom Cruise at ng leading lady niya sa Mission Impossible 7 na si Hayley Atwell.

Nagsu-shooting daw sila all over Europe para sa Mission Impossible at na ‘hit it off’ habang nasa set sila.

Thirty eight years old lang si Hayley at 58 si Tom. Yes 20 years ang age gap nila.

Nahihirapan silang mag-shooting ng pelikula dahil sa coronavirus pandemic na matinding tinamaan ang Europe ayon sa online reports.

 

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with