^

PSN Showbiz

Kyla, kaya nang pag-usapan ang pagkawala ng dalawang baby

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kyla, kaya nang pag-usapan ang pagkawala ng dalawang baby
Kyla at Rich Alvarez

Hinding-hindi makalilimutan ni Kyla ang pinakamatinding pagsubok sa buhay nila ng asawang si Rich Alvarez na kanilang nalampasan. Dalawang beses na nakunan o nalaglag ang ipinagbuntis ng singer noong 2018. Ayon kay Kyla ay ngayon lamang siya naging bukas upang pag-usapan ang tungkol dito. “Dati ayaw ko siyang pag-usapan but ngayon okay na ako na pag-usapan siya. When we lost our baby twice, I guess that was the most challenging phase of ‘yung life namin together. Kasi mahirap din emotional, ‘yon ang mahirap. As in hindi ko sinasabi ito. All good words, because asawa ko siya pero he is such a gentle person, gentle giant, totoo ‘yon sa kanya. Napaka-patient, understan­ding, compassionate, naturally emphatic. Alam mo ‘yon nararamdaman niya ‘yung nararamdaman ko. Bigla na lang may breakfast kasi alam nila na malungkot ako,” pagbabahagi ni Kyla.

Mahigit siyam na taon nang mag-asawa ang singer at ang basketbolista. Pitong taong gulang na rin ngayon ang panganay nina Kyla at Rich na si Toby. Ayon kay Rich ay talagang hindi naging madali para sa kanilang mag-asawa ang mga pinagdaanan noon. Hanggang maaari ay sinisikap ng mag-asawa na maging maayos ang kanilang pagsasama kahit na mayroong mga problema minsan. “Our relationship we cannot hold things, we cannot keep things bottled up inside, because your relationship is going to get worse. So just try to make memories and make better ones, and of course, learn from our mistakes from each other, from our relationship and just try to be better,” makahulugang pahayag ni Rich.

Pasko nina Ogie at Regine, mas malungkot ngayon

Kamakailan ay namatay ang ama ni Ogie Alcasid na si Herminio Alcasid Sr. kaya medyo malungkot ang magiging pagdiriwang ng Kapaskuhan ng kanilang pamilya. “I will miss my father this Christmas. We lost him only recently. We all hopefuls have come into the realization that all we have in this world is a short span of being able to serve God. We must fulfill that with the best of our abilities,” makahulugang pahayag ni Ogie.

Samantala, bukod sa pagkanta at pagsusulat ng mga awit ay nakahiligan na rin ni Ogie ang paggawa ng video blogs. Nagsimula noong isang taon ang singer-composer at asawang si Regine Velasquez-Alcasid sa paggawa ng mga content para sa kanilang vlogs. “I see why people are so interested in it. It’s so different from your artista persona that people see on TV. Nate has not been joining us in vlogging lately because of school. He is doing well with distance education, but of course, face to face is still better,” giit ni Ogie. (Reports from JCC)

vuukle comment

KYLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with