^

PSN Showbiz

Aga, magreretiro na pag ‘di papayat

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Aga, magreretiro na pag �di papayat
Aga

Panahon na nga ba para magretiro si Aga Muhlach bilang isang actor?

May ganyang statement si Aga na kung hanggang sa susunod na taon ay hindi raw siya makakapagbawas ng timbang at hindi magiging fit, tanggap niyang kailangan na niyang magpahinga nang kaunti.

Hindi naman total retirement ang sinasabi niya kundi limitahan na lang ang kanyang paglabas. May katuwiran si Aga na katungkulan ng isang artistang kagaya niya to look good at all times para sa fans.

Marami ang nakapansin, at alam naman niya na medyo bumibigat na rin ang kanyang timbang. Isa pa, papaano mo nga ba ikakaila na 51 years old na siya ngayon.

Pero ang palagay namin, kung medyo magdadagdag lang ng effort si Aga sa exercise, at siguro nga sa pagbisita sa mga gym, magagawa niyang ibalik ang dati niyang panga­ngatawan at baka mas ok pa.

Hindi naman problema ang kanyang hitsura sa kabuuan dahil mukha naman siyang bata pa. Hindi siya kagaya noong iba na tumanda na talaga, pumayat, kumulubot, pumuti ang buhok at kung titingnan mo hindi na tatay kundi lolo na.

Sa kaso ni Aga, hindi lang siya tatay, talagang lolo na siya dahil maaga naman siyang nagkaroon ng anak at medyo maaga ring nag-asawa ang anak niya, kaya lolo na siya. Pero hindi mo sasabihing mukhang lolo si Aga. Isipin mo, may panahong naging leading man pa siya ni Angel Locsin, at doon sa pelikulang iyon mukhang bagets pa si Aga. Ang problema nga lang, pagkatapos noon medyo nagsimula na siyang bumigat.

Hindi rin natin maikakaila na malakas pa ang hatak ni Aga sa publiko, depende siyempre sa roles. Kung gagawa siya ng mga indie na medyo out of this world ang tema, hindi mo aasahang kikita ‘yan. Pero kung ang pelikula niya ay commercially viable, kung natatandaan ninyo siya pa ang naging top grosser sa Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon, at tinalo pa niya sina Vic Sotto at Vice Ganda. Ibig sabihin gusto pa ng publiko si Aga.

Napaghandaan na naman ni Aga nang husto ang kanyang buhay. Sinasabi nga nila, siguro hanggang sa mga apo ni Aga mamumuhay na nang maayos dahil sa mga naipundar niya. Pero sayang naman kung tatalikuran niya ang pagiging isang actor, dahil kailangan pa ng industriya ang mga actor na kagaya niya.

Mga anak ni Nora, mas mabait kay Sandy

Eh ‘di lumabas na ang totoo. Hindi gusto ni Ian de Leon na may magiging bisita siya sa kanyang birthday na hindi niya kasundo, kaya hindi niya sinipot ang birthday party na inihanda para sa kanya ng inang si Nora Aunor. Una, hindi nga maliwanag kung bakit biglang-bigla ay nagbigay ng party si Nora para kay Ian. Hindi naman niya ginagawa iyan nang maraming taon na.

Maliwanag din, at alam niya na hindi niya makakasundo ang kanyang pamilya, meaning si Ian at ang mga adopted niyang mga anak, at iyon ay dahil sa kanyang relasyon kay John Rendez ng kanilang ina. Hindi naman ganoon ang attitude nila sa asawa ng kinikilala nilang tatay na si Boyet de Leon, ok naman sa kanila si Sandy Andolong. Pero ewan kung bakit nga ba malayo sila kay John, na huwag na nating alamin kung bakit.

Aktres na halos isang taon nang jobless, pasan pa rin ang buong pamilya

Umaangal na ngayon ang isang female star, dahil halos isang taon na siyang walang trabaho, at sinasabing halos said na ang kanyang savings. Papaano ba naman kahit na wala siyang kita, talagang nakakarga pa rin sa kanya ang kanyang buong pamilya. Nagtitipid na nga sila, pero iba pa rin iyong binubuhay mo ang buong pamilya mo nang wala ka namang kinikita.

Gusto na rin niyang lumayas sa kanyang managers at lumipat sa iba, pero takot siya dahil mayroon pa nga siyang contract sa mga iyon. Kawawa naman si female star.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with