^

PSN Showbiz

Babaeng personalidad piniling manahimik kesa makipagtapatan sa social media

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakatahimik ngayon ng personal na buhay ng isang kilalang female personality. Walang nambubulabog sa kanya, walang nakikialam sa kanyang buhay, isang payo kasi ng mga nagmamahal niyang kaibigan ang sinunod ng aktres.

Kailangang maging pribado ang kanyang personal na buhay. Wala siyang kahit anong kuwentong ilalabas sa kanyang mga social media account tungkol sa kahit anong nangyayari sa kanilang pamilya.

Pinag-aralan palang mabuti ng aktres at ng mga nagmamalasakit at nagmamahal niyang kaibigan kung saan nag-uugat ang panggugulo sa kanyang personal na buhay.

“Sa inggit. Sobrang tindi ng inggit at insecurity sa kanya ng mga taong walang magawang maganda sa buhay. Ang masaklap pa, e, hindi naman iba sa kanya ang mga taong ‘yun!

“Kung mula lang sa ibang tao ang mga panggugulo, e, wala siyang pakialam, kaso, hindi nga iba sa kanya ang mga taong ‘yun, kaya siya naaapektuhan,” buwena-manong sultada ng ­aming impormante.

Lahat na lang ng gawin niya ay kinokontra ng kabilang kampo, binabantayan talaga ng mga ito ang nangyayari sa kanyang buhay, ayaw siyang tantanan.

Balik-kuwento ng aming source, “So, nag-usap-usap silang magkakaibigan, kasali na rin ang mismong family niya, iiwasan niya nang mag-post ng mga kuwento or info tungkol sa pamilya nila.

“Panalo ang naisipan nila! Walang maibato laban sa kanya ang mga taong tuwang-tuwang iniinis at ini-stress siya! Wala silang mahagip na impormasyon, kaya paano sila makakapakialam? Effective ang ginawa niya.

“Biglang tumahimik ang buhay niya, may dumating mang biyaya sa pamilya nila, tahimik lang siya, kaya parang eng-eng ang mga kumakalaban sa kanya!

“Ano ang ihihirit nila kung wala naman silang alam tungkol sa mga nangyayari sa buhay ng taong pinag-iinitan nila? Ano ang ibabato nila, meron ba?

“Malungkot kasi ang buhay ng mga ‘yun! Ayaw nilang nakikitang maligaya ang pinupuntirya nilang tao na hindi naman iba sa kanila! Misery loves company, di ba naman?

“Sorry na lang, masaya ang buhay ng female personality, maligaya siya sa poder ng taong pinili niyang makasama sa buhay. Matagumpay pa rin ang career ng anak niya, kaya ano pa ba naman ang hahanapin niya? Wala na!” napakadiing pagtatapos ng aming impormanteng nakataas ang kilay.

Ubos!

April Boy nabiktima ng medical malpractice?!

Kundi magkakaroon ng mga pagbabago ay desidido na ang misis ng namayapang Jukebox Idol na si Madel de Leon-Regino na ilapit kay Raffy Tulfo ang kinikimkim niyang problema.

Nagpalipas lang nang isang linggo si Madel pagkatapos ihatid sa huling hantungan si April “Boy” Regino. Kinausap niya ang kanilang mga anak na sina Charmaine at JC. Mula nang bawian ng buhay ang kanyang mister ay hindi pa siya nareregaluhan nang mahimbing na tulog dahil sa hindi niya malimut-limutang naganap sa ospital nang isugod nila si April Boy.

“Hindi po ako matahimik, kapag naaalala ko po ang nangyari nu’ng isugod namin sa ospital si April, giniginaw po ako, kinikilabutan, hindi ko po matanggap ang nangyari,” kuwento ni Madel.

Tulad ng kanyang namayapang asawa ay naniniwala rin si Madel na ang kalooban ng Diyos ang dapat mangyari. Kung talagang oras na ng pamamaalam, kapag dumating na ang takdang oras, ay wala na tayong magagawa pa.

Sabi ng biyuda ni April Boy, “Opo, alam ko po ‘yun. Na kapag oras na natin talaga, e, hanggang du’n na lang tayo. Pero mas matatanggap ko po ang pagkawala ni April kung nangyari ang nararapat.

“Napakasakit po para sa akin at sa mga anak ko ang nangyari sa ospital. Ala una nang madaling-araw siya naka-schedule para sa emergency dialysis, binutasan na nga po siya sa leeg para sa gagawing process.

“Pero alas dos na, wala pa ang mga doktor, may inuna raw po silang emergency rin sa ibaba. Sa paputul-putol na salita, e, sinabi ni April, ‘Emergency din naman ako.’

“Na-video ko po ‘yung paghahanap nila ng isang gamit na wala na raw, nagamit na raw po, wala silang stock, inilagay ko po ang cellphone ko sa hita ko, kaya nakunan po ang pag­dedeliryo ni April,” lumuluhang kuwento ni Madel.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Tulfo In Action at ang Wanted Sa Radyo sa problemang ilalapit ni Madel Regino sa mga programa ng matapang at mapusong news anchor.

Bubusisiin nila kung nagkaroon nga ba ng medical malpractice sa pagkawala ng Jukebox Idol. Kailangang managot ang may pagkukulang sa senaryong ito.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with