^

PSN Showbiz

Joshua, pinaghahandaan ang pagboboksing

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, pinaghahandaan ang pagboboksing
Joshua

Nakatakdang magbida si Joshua Garcia para sa pelikulang Keys to the Heart kasama sina Charo Santos-Concio at Zaijian Jaranilla. Hango ang proyekto mula sa South Korean drama film na may parehong titulo.

Gaganap si Joshua bilang isang boksingero sa pelikula kaya nagpapaganda na ng katawan ngayon. “Sobrang excited akong gawin itong film. Ngayon nagte-training ako kasi ‘yung character ko dito medyo ma-muscle na. Ibang level na ‘yung gagawin ko next year,” bungad ni Joshua.

Ngayon lamang makakatrabaho ng aktor si Charo kaya aminadong nakararamdam na ng pressure sa mga gagawing eksena. “Excited akong makatrabaho siya. Gusto ko makita ‘yung kalalabasan ng mga eksena. Sana hindi ako maging sakit ng ulo sa set namin kasi nakakahiya naman kay Ma’am Charo,” paglalahad ng binata.

Samantala, bukas ay mapapanood muli si Joshua sa isang bagong episode ng Maalaala Mo Kaya. Nahirapan ang aktor sa mga eksenang ginawa dahil matagal nang napahinga sa pag-arte. “‘Yung emosyon ko parang makina na kailangang pinapainit para gumana siya. So mga first day ko, first scene ko sobrang hirap na hirap ako. Ang hirap palang bumalik sa trabaho kapag ang tagal mong napahinga. Naging mahirap pero kinaya,” pagtatapat ng aktor.

Jane, kinuwestiyon din ang sarili

Malaki ang pasasalamat ni Jane de Leon sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa Darna project. Matatandaang ang dalaga ang napiling gumanap bilang pinakabagong Darna sa isang pelikula pero hindi na ito natuloy. Sa halip ay mapapanood na ang bagong proyekto bilang Mars Ravelos’s Darna: The TV Series sa susunod na taon. “Grabe ‘yung pagpapasalamat ko sa mga boss. Until now, nandoon pa rin ‘yung tiwala nila sa akin na ibigay ‘yung bato. Akala ko hindi na matutuloy. Ayoko mag-expect, iyon ‘yung prinamis ko kay Lord, na ayoko mag-expect ng kahit na ano. Kasi I know naman na may darating na blessing,” nakangiting pahayag ni Jane.

Marami nang suliranin ang kinaharap at nalampasan ang bumubuo ng bagong Darna sa loob ng maraming taon. Mula pa noong nawala sa proyekto ni Angel Locsin dahil sa naging problema sa likod at Liza Soberano dahil sa tinamong finger injury. Hanggang si Jane na nga ang napili na nakaranas naman ng online ­bashing mula sa netizens dahil sa pagiging baguhan pa lang sa industriya. “I think it’s very normal to feel down if it’s a negative comment. Kailangan lang talaga matuto ako kung paano mag-manage noon, kasi it’s normal sa showbiz. I do understand kasi nga wala pa naman. sino ba ako? Totoo naman, baguhan ‘to, saan nangga­ling ‘to? Bakit siya? Iyon ‘yung mga tanong ng netizens, even me. Huwag kayo mag-alala, kahit ako, tanong ko ‘yung sa sarili ko. Bakit ba ako ‘yung napili?” makahulugang pahayag ng aktres.

Kahit maraming kumukuwestiyon sa pagkakapili kay Jane ay nagpapasalamat pa rin ang dalaga sa mga patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan. “Mara­ming salamat po sa pagtitiwala n’yo, kahit na hindi pa po natin ipinapakita pero ‘yung suporta na pinapakita n’yo sa akin, hindi po kayo naggi-give up. You’re still pushing me to do it. Salamat din sa pagbibigay sa akin ng positivity. Maraming salamat po,” pagtatapos ng baguhang aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with