^

PSN Showbiz

Sexy personality feel na feel pagselosin ang karelasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kakaiba rin palang drama ang isang kilalang sexy personality. Ugali na niyang palaging pagselosin ang kanyang karelasyon.

Gustung-gusto niyang nakikitang nai-insecure ang kanyang boyfriend, selos na selos, ikinakikilig niya ang ganu’n. Kaso, nakakita siya ng karelasyong walang pakialam sa kanyang mga drama.

Kuwento ng aming source, “Ang kakagat lang sa mga drama ng girl, e, mga lalaking maraming kulang na qualities, ‘yung mga insecure talaga.

“Ang drama niya, ipinakikita niya sa boyfriend niya ang mga text ng mga guys na nagkakagusto sa kanya. Dapat pa ba niyang gawin ang ganu’n, samantalang taken na siya, di ba?

“Pero ganu’n talaga siya, ipinakikita niya ‘yun para feeling very in-demand siya sa mga guys. Siyempre, ‘yung isang male persona­lity na ex niya, e, selos na selos naman!

“Binabakuran siya, sumasama sa mga commitments niya, dahil baka nga naman masingitan siya ng mga kasamahan niyang artistang type na type ang girlfriend niya!

“Naku, happiness na ‘yun para sa girl! Kapag nakikita niyang selos na selos ang boyfriend niya, e, para siyang nasa cloud 9!” natatawang unang kuwento ng aming impormante.

Pero nakakita siya ng katapat na lalaking secure na secure. Hindi umaandar ang mga kadramahan ng girl. Nabigo siya.

Patuloy ng aming source, “Ginawa niya rin ‘yun sa pinakahu­ling nakarelasyon niya. Pakita siya nang pakita ng mga messages ng kung sinu-sinong gandang-ganda raw sa katawan niya, pero waley!

“Hindi ‘yun ikinaseselos ng hunk actor, wala siyang pakialam sa mga nagte-text sa girl, bakit nga naman? Una, wala siyang dapat ikapagselos at ika-insecure, napakalaki ng tiwala niya sa sarili niya, kaya keber!

“Inis na inis ang girl, hindi kasi umobra ang gimmick niyang pagselosin ang boyfriend niya! Ni hindi nga binabasa nu’ng lalaki ang mga kiyemeng text sa kanya ng mga may type sa kanya, e!

“Wala siyang pakialam kesehodang makipag-text pa ang girl sa mga ex niya! Takang-taka ang girl, bakit ganu’n, parang hindi siya mahal ng boyfriend niya?

“Nakakaloka siya! Nakakita siya ng guy na walang pakialam sa mga drama niya! Bigung-bigo ang babae, pagkabigo na nauwi pa sa hiwalayan, kaya mas nakaramdam siya ng pagkabigo!

“Maghanap na lang uli siya ng guy na kakagat sa drama niya sa buhay! Matindi ang insecurity ng sexy actress na itey!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Alden naalala kung paano nakikisabay noon

Ngayong gabi na ang virtual concert ni Alden Richards, ito rin ang nagmamarka sa kanyang ikasampung taon sa lokal na aliwan, hindi nasayang ang kanyang paghihintay nang mahabang panahon.

Halos talent (extra) lang siya nu’ng pasukin niya ang pag-aartista. Konting dayalog lang ang ibinibigay sa kanya, paminsan-minsang tutok ng mga ca­mera, masuwerte nang mula sa umpisa ng kuwento hanggang sa matapos ay nandu’n siya.

Wala siyang sasakyan, nakikisabay lang siya sa mga crew pagkatapos ng kanyang trabaho, nakaupo siya sa ibabaw ng mga kable habang nagbibiyahe.

Nagpapababa siya sa SLEX, sa Biñan, Laguna siya umuuwi, jeep at tricycle ang kanyang transportasyon hanggang makarating siya sa bahay.

‘Yun ang nakaraang sampung taon ng buhay at karera ni Alden Ri­chards na lumundag na nang pagkalayu-layo ngayon, nagtagumpay siya, poste na siyang artista ng GMA-7 ngayon.

Sabi ng isang kakilala naming teller ng BDO, “Hindi siya nagbabago. Kung ano siya nu’ng nag-uumpisa siya, ganu’n pa rin siya hanggang ngayon. Naghihintay lang siyang tawagin ang pangalan niya.”

 Sa kanyang Alden’s Reality virtual concert ngayong gabi ay siguradong magiging emosyonal ang Pambansang Bae. Maaalala niya sigurado ang pinakamamahal niyang ina, ang kanyang unang inspirasyon, nang pasukin niya ang pag-aartista.

Pero totoong-totoo ang palagi niyang sinasabi na wala na nga ang kanyang ina, pero ramdam na ramdam niya pa rin ang paggabay ng kanyang mommy, hindi siya pinababayaan nang malayuan.

“Una po kay Lord, kulang po ang pasasalamat lang sa sobra-sobrang biyayang ibinibigay Niya sa akin, hindi ko po inaasahan ang ganito na mangyayari sa career ko.

“It really pays po talaga to hold on to your faith, hindi ko po ito magagawa nang ako lang, pati po ang mga supporters ko, bigay po sila ni Lord sa akin.

“Hindi ko po alam kung saan ako magsisimula ng pasasalamat, pero basta, nasa puso ko po silang lahat,” huling mensahe ng mapagkumbaba pa rin sa kabila ng kanyang tagumpay na si Alden Richards.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with